• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pananaliksik Final

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pananaliksik Final"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)

CREDIT CARD: Mga Kainaman at Kaimbihan

Marc Jandel F. Polante Pol S. Arañas

Bachelor of Science in Accountancy Magsaysay Memorial College

ABSTRAK

Sa pag-usad at pagsulong ng teknolohiya at sa pag-impluwensya nito sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay, isa sa mga lubusan nitong nabago ay ang sistema o pamamaraan ng pangungutang sa pagkaroon natin ngayon ng tinatawag nating Credit Card. Bukod sa mga aklat, kami din naman ay naghanap ng mga artikulo sa pahayagan at magasin na may kinalaman sa aming paksa at dahil na din sa kokonti ang nakalimbag na mga artikulo ukol sa mga credit cards at bilang karagdagan na din, minarapat naming gamitin bilang referensya at sandigan ang ilang website sa internet. Upang lalong mapagtibay ang mga nakalap naming datos at bilang karagdagan, kami din ay nagsagawa ng isang survey. Ang pagmamay-ari at paggamit ng credit card ay mayroong kainaman. Kung ang paggamit ng credit card ay may kainaman, hindi naman maiaalis o maitatanggi na meron din naman itong kaimbihan. Samakatwid, magsimula nang lumabas ang mga credit card, nabaligtad na ang kaisipang ito at sa katunayan, ang mga credit cards ngayon ay nagsisilbi na din bilang status symbol. Napatunayan nang ang mga credit card ay isa nang status symbol, ngunit tayo pa rin ay bumabalik sa katanungan hinggil sa kapakinabangan ng mga credit card. Ngunit kung susuriing mabuti at paiiralin ang lohika, ang kapakinabangan ng isang credit card ay nakasalalay sa mismong humahawak nito. Ipinapakita lamang ng pananaliksik na ito na hawak natin ang sagot sa suliranin, na sa atin nakasalalay ang ating ikauunlad o ikababagsak.

(2)

INTRODUKSYON

Ang pag-unlad ng teknolohiya ay lubhang nakaimpluwensya sa sangkatauhan sa iba't ibang aspeto ng buhay na nangangasiwa sa halos lahat ng gawain ng tao. Mula sa mga pinakasimpleng bagay na ginagawa ng tao tulad ng komunikasyon at transportasyon. Umabot na din ang impluwensyang ito sa mas malawak na aspeto ng buhay, partikular na ang mundo ng kalakalan at ang ekonomiya.

Nagsimula noong una ang kalakalan sa pamamagitan ng barter. Sa ilalim ng sistemang ito, nagaganap ang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga produkto. Ito ay napalitan ng bagong ekonomiya kung saan ang mga tao ay gumagamit na ng pera o ng kung ano mang bagay na may halaga tulad ng ginto, pilak, at iba pa. Kahit saan man sa mga nabanggit na sistema o ekonomiya, hindi maitatanggi ang presensiya at kahalagahan ng pangungutang. Ito iyong

deferred payment kapalit ng pananagutan at pangako ng pagbabayad sa napag-usapang petsa.

Sa pag-usad at pagsulong ng teknolohiya at sa pag-impluwensya nito sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay, isa sa mga lubusan nitong nabago ay ang sistema o pamamaraan ng pangungutang. Nagkaroon na tayo ngayon ng tinatawag nating Credit Card. Pareho pa din ang konsepto at ideya. Nagkakaroon pa din ng tinatawag nating deferred payment kapalit ng isang pananagutan at pangako. Tanging sistema lamang ang naiba kung saan hindi na kailangang magpunta sa isang lending institution para personal na mangutang, isang card na lamang ang kailangan mo.

(3)

credit card at ang mga ito'y taliwas sa mga pangakong nagsasabing nakapagpapagaan ito ng buhay. Nariyan ang mga isyu tungkol sa mga hidden charges na diumano'y ipinapataw ng mga

credit card companies. Idagdag pa ang usapin ukol sa seguridad ng paggamit nito at ang

kabi-kabilang balita tungkol sa mga card holder na nabaon sa pagkakautang.

Ito ang layunin ng pananaliksik na ito, ang malaman at matukoy kung paano gumagana ang mga credit card at kung anu-ano ang mga kainaman at kaimbihan ng paggamit nito. Bukod pa dito, nilalayon din nitong malaman ang pagnanais at kahandaan ng mga mag-aaral ng Magsaysay Memorial College na magkaroon ng credit card at sa kung anong dahilan, gayundin naman ang kanilang pananaw sa kapakinabangan nito sa pamumuhay.

Bagamat ang paksang ito ay malawak, ang pananaliksik na ito ay isiganawa namin sa loob ng Magsaysay Memorial College at tanging sa mga mag-aaral lamang nito.

(4)

METODOLOHIYA

Nang aming mapagdesisyunan ang magiging paksa ng aming pananaliksik, kami ay agad nag-isip ng magiging pamagat nito. At ito nga ay ang "Credit Card: Mga Kainaman at Kaimbihan".

Isa sa mga unang bagay na aming ginawa ay ang magpunta ng silid-aklatan upang maghanap ng mga aklat na maaari naming maging referensya. Bukod sa mga aklat, kami din naman ay naghanap ng mga artikulo sa pahayagan at magasin na may kinalaman sa aming paksa. Dahil na din sa kokonti ang nakalimbag na mga artikulo ukol sa mga credit cards at bilang karagdagan na din, minarapat naming gamitin bilang referensya at sandigan ang ilang website sa internet.

Upang lalong mapagtibay ang mga nakalap naming datos at bilang karagdagan, kami din ay nagsagawa ng isang survey. Bago ito sinimulan, kami muna ay tumukoy ng dalawampung mag-aaral ng Magsaysay Memorial College na napapabilang sa iba't ibang antas ng pamumuhay. Sa dalawampung mag-aaral na ito, dalawampu't limang bahagdan o lima sa dalawampung

respondent ang mula sa familyang kumikita ng walumpung libong piso pataas. Samantalang

sampu o limampung bahagdan naman ang mula sa familyang may taunang kita na dalawampung libong piso hanggang pitumpu't siyam na libong piso. Ang nalalabing limang respondent na kumakatawan sa dalawampu't limang bahagdan ay mula naman sa familyang may taunang kita na mas mababa sa dalawampung libong piso. Matapos matukoy ang mga mag-aaral na sasailalim sa survey, sinimulan na namin itong isagawa. Ang bawat respondent ay tinanong ng mga

(5)

sumusunod na katanungan: "Nagmamay-ari ka ba ng credit card?", "May alam ka ba tungkol sa mga credit card?", "Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, nanaisin mo bang magkaroon ng

credit card? Bakit?", "Sa iyong palagay, kapaki-pakinabang ba ang credit card?".

Matapos isagawa ang survey, ang mga datos mula rito ay aming ikinumpara sa mga datos na una na naming nakuha mula sa mga aklat, pahayagan, magasin, at internet. Mula dito, kami ay nag-analisa at nagkaroon ng pagtatalakay na humantong naman sa konklusyon at rekomendasyon.

(6)

PAGLALAHAD NG RESULTA AT PAGTATALAKAY

Mahalaga sa pananaliksik na ito na malaman muna kung ano nga ba ang credit card at kung paano ito gumagana. Ang credit card ay isang plastic na kard na naglalaman ng ilang personal na imformasyon na ginagamit sa pagbabayad sa halip na gumamit ng pera (cash). Ang mga ito ay iniisyu ng mga banko at iba pang credit card companies sa mga taong napatunayan nila na may kakayahang magbayad nito. Ang credit card ay nagbibigay-daan sa mga cardholder upang magbayad para sa mga kalakal at serbisyo batay o base sa pangako ng pagbabayad ng may ari. Ang issuer ng card ay lumilikha ng revolving account at nagbibigay ng linya ng credit (credit

line) sa mga gumagamit kung saan maaari silang humiram ng pera upang makapagbayad sa mga

kalakal o bilang isang cash advance. Bilang kapalit sa serbisyong ito, ang issuer ay maniningil ng ilang porsiyentong interes batay sa kung magkano ang nagamit ng card holder.

Sa Pilipinas, (Ramirez, 2011) “tinatayang mayroong 6.7 milyong credit cards ang nasa kamay ng 3.6 hanggang 4 milyong tao. At sinasabing sa apat na milyong taong ito, tatlong milyon ang may tig-iisang credit card lamang.” Noong 2011, ang Pilipinas ay may kabuuang populasyon na 94,852,030 sang-ayon sa datos ng World Bank na mula naman sa pinakahuling

census na isinagawa sa bansa. Kung titingnan, susuriin at paghahambingin, makikitang maliit na

bahagdan lamang ang nagmamay-ari ng credit card. Ito ay nasa apat na bahagdan lamang ng kabuuang populasyon, at ang karamihan sa bahagdan na ito ay kabilang sa nakatataas na antas ng lipunan o iyong may mga trabahong nakapagbibigay ng mataas na suweldo. Ang datos na ito ay sinalamin ng resulta ng survey na aming isinagawa. Sa dalawampung mag-aaral na aming

(7)

tinanong, isa lamang ang nagmamay-ari ng credit card. Ito ay kumakatawan sa limang bahagdan na hindi naman nalalayo sa apat na bahagdang pagmamay-ari ng credit card sa buong bansa.

Bagamat iisa lamang ang nagmamay-ari ng credit card, pitumpu't pitong bahagdan naman o labing apat sa dalawampung mag-aaral na aming sinurvey ang nagsabing may nalalaman sila tungkol sa mga ito. Ilan sa mga bagay na nasabi ay patungkol sa umiiral na interest rate at sa unti-unting paglaki ng credit line sa tagal ng paggamit ng credit card. Pinapatunayan lamang nito na maraming tao pa din ang may sapat na kaalaman ukol sa mga credit card kahit na sila ay hindi nagmamay-ari nito.

Bukod sa interest rate at credit line, nabanggit din ng ilan sa mga nasurvey namin ang mga kainaman at kaimbihan ng paggamit ng credit card. Ang pagmamay-ari at paggamit ng credit

card ay mayroong kainaman. Una na dito iyong tinatawag nating immediate access lalo na sa

mga pagkakataon na nagkaroon ng emergency kung saan kailangang gumastos ng malaki. Hindi mo na kailangang magpunta ng banko para maglabas ng pera, iaabot mo na lang ang credit card mo. Bukod pa dito, ang paggamit daw ng credit card ay mas ligtas kumpara sa pagdadala ng malaking halaga ng pera. (Sanchez, 2010) "Ang nawalang pera ay mahirap nang maibalik pa subalit ang nawalang credit card ay maaari pang makansela. Kung sakaling ikaw naman ay makapagreport kaagad ng nawala o nanakaw na credit card, pwede kang maprotektahan laban sa mga walang pahintulot na paggamit nito." Bilang karagdagan pa, sa pamamagitan ng mga credit

card, magkakaroon ka ng kakayahan na bumili ng mga mamahaling gamit nang hindi ito

(8)

napapadali din ng credit card ang pagbabayad ng iba't ibang bayarin o bills. (Saunders & Cornett, 2011) "Kung nanaisin ng isang card holder, maaaring lahat ng kanyang bayarin tulad ng electric

bill, telephone bill, at insurance contribution ay i-charge ng lahat sa kanyang credit card. Dahil

dito, hindi niya na kailangan pang magpunta sa iba't ibang opisina para magbayad." Isa pang kainaman ng credit card na hindi alam ng nakarami ay ang pagkakaroon nito ng insentivo o gantimpala mula sa card issuer kapalit ng madalas na paggamit nito o di kaya'y maagang pagbabayad ng bill. Ilan sa mga halimbawa ng mga insentivong ito ay libreng transportasyon,

gift checks, at money back offers.

Kung ang paggamit ng credit card ay may kainaman, hindi naman maiaalis o maitatanggi na meron din naman itong kaimbihan (disadvantage). Pinakauna na dito ay ang interes na ipinapataw ng mga credit card companies. Lahat ng mga respondent ng aming survey ay alam ang bagay na ito at walumpung bahagdan o labing walo sa dalawampu ang nagsabing ito ang pinakamalaking kaimbihan ng mga credit card. (Miranda, 2002) "Sa paggamit ng credit card, ikaw ay magbabayad nang higit sa iyong nagastos." Masasabi ding isa sa kaimbihan nito ay ang mga legal consequence kapag hindi ka nakapagpayad ng iyong bill. Maaari kang idemanda ng

card issuer upang mapilit kang magbayad. Nangangahulugan ito ng gastos, stress at kahihiyan.

Bukod pa rito, ang hindi pagbabayad sa tamang petsa ay nagpapababa sa iyong credit rating na siya namang basehan ng mga banko at iba pang financial institution sa pag-aapruba ng mga pautang. Isang sikat na kaimbihan ng credit card ngayon ay ang tinatawag na phishing at cloning. Ito ay ang pagnanakaw ng imformasyon mula sa isang partikular na credit card saka gagawa ng

(9)

isang clone. Sa pamamagitan nito, nagkakatroon ng extension ang iyong credit card account nang lingid sa iyong kaalaman. (David, 2012) "Sa buong Pilipinas, tinatayang humigit-kumulang 50-60 milyong piso ang nananakaw sa pamamagitan ng credit card cloning taon-taon." Ang kaimbihan na ito ay isang malaking kabalintunaan ng sinasabing security advantage ng mga

credit card. Idagdag pang ang ganitong krimen ay hindi agad-agad natutuklasan at saka na

lamang nalalaman kapag dumating na ang iyong bill na pagkalaki-laki. Dahil din naman sa mga

credit card, napakalaki ng posibilidad na hindi ka na makakapag-ipon. (Fajardo & Manansala,

1993) "Sa paggamit ng credit card, ang iyong kita sa hinaharap ay nagagamit mo na." Ang bagay na ito ay madalas na hindi batid ng mga card holder kaya naman sila ay gamit ng gamit ng kanilang credit card.

Sinasabing ang pangungutang ay isang mahalagang aspeto ng ekonomiya sa kabuuan. (Mutya, 2002) "Ang pangungutang ay isang daan tungo sa pag-unlad kung ito'y magagamit ng maayos. Walang duda na ito ay naging malaking bahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng malalaking bansa." Ngunit sa kabila ng function na ito ng pangungutang, ito ay itinuring na

taboo at kahiya-hiya. Kapag ang isang tao o negosyo ay nangutang, ito ay kanyang itaago bilang

isang malaking sekreto. Ngunit kung papansinin ang kasalukuyang panahon, wala na ang ganitong uri ng mentalidad. Samakatwid, magsimula nang lumabas ang mga credit card, nabaligtad na ang kaisipang ito. Ang mga credit cards ngayon ay nagsisilbi na din bilang status

symbol. Ito ay sa kadahilanang mahirap at masusi ang prosesong pinagdadaanan bago

(10)

kadalasang nabibigyan nito.

Ang credit card bilang isang status symbol ay sinalamin ng resulta ng aming survey. Animnapu't limang bahagdan o labing tatlo sa dalawampung respondents ang nagsabing nanaisin nilang magkaroon ng credit card kung mabibigyan ng pagkakataon. Bukod sa mga kainaman na nabanggit na, marami din ang nagsabing tayo daw ay nasa makabagong panahon na at ang pagkakaroon ng credit card ay ang moda o uso. Tatlumpung bahagdan naman o anim sa dalawampung respondent ang nagsabing hindi nila nanaising magkaroon nito dahil na din sa mga kaimbihan tulad ng interes at isyu sa seguridad. Pinapatunayan lamang ng mga datos na ito na ang kaisipang ang credit card ay isang status symbol ay umiiral na din sa Magsaysay Memorial College.

Napatunayan nang ang mga credit card ay isa nang status symbol, ngunit tayo pa rin ay bumabalik sa katanungan hinggil sa kapakinabangan ng mga credit card. Sa katanungang ito, limampu't limang bahagdan o labing isa sa dalawampung respondent ang nagsabing kapaki-pakinabang ang mga credit card. Ayon sa kanila, bagamat may mga kaimbihan, hindi matatawaran ang kaginhawahang naidudulot nito. Samantala, walong respondent naman na kumakatawan sa apatnapung bahagdan ang naniniwala na higit na mas matimbang ang mga negatibong efekto ng credit card kaysa sa mga kainaman nito. Ang nalalabing limang bahagdan o isa sa dalawampu ang nagsabing ang pagiging kapaki-pakinabang ng mga credit card ay nakasalalay o nakadepende pa din sa taong gumagamit nito.

(11)

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Hindi maitatanggi ang mahalagang gampanin ng pangungutang at pagpapautang sa pag-unlad. Tunay nga na ito ay isang mahalagang aspeto ng ekonomiya. Maraming tao, negosyo, at maging bansa ang nagsimulang umunlad dahil dito. Sa pag-unlad ng teknolohiya, kasama din nitong umunlad ang credit system sa paglabas ng mga credit card.

Sa biglang tingin, tunay na napadali at napagaan nito ang buhay. Hindi na kailangang magdala ng madaming pera, isang card na lang na pagkagaan-gaan at kasing liit pa ng isang

identification card. Mas naging madali din ang sistema ng panghihiram ng pera gayundin naman

ang sistema ng pagbabayad ng iba't ibang bill. Napakagandang pakinggan. Tila ba hulog ng langit ang credit card.

Ngunit sa pagtagal ng panahon at paggamit sa mga credit card, lumabas ang iba't ibang suliranin at isyu na taliwas sa mga pangako nitong pagkaganda-ganda. Nariyan ang pagbabayad ng higit sa iyong nagamit dahil sa interes na ipinapataw ng mga credit card companies. Nariyan din ang iba't ibang balita tungkol sa mga hindi nakapagbayad ng kanilang obligasyon. Mayroong mga nakulong, nailit ang mga ari-arian, at ang pinakamalala, may mga nagpakamatay. Idagdag pa ang usapin ng makabago at modernong krimen.

Hindi tuloy maiwasang magtanong kung tunay pa nga bang kapaki-pakinabang ang mga

credit cards, kung tunay pa ba hanggang ngayon ang pangako nito ng magaang buhay.

(12)

mga magsasabi ng kabaliktaran. Ngunit kung susuriing mabuti at paiiralin ang lohika, ang kapakinabangan ng isang credit card ay nakasalalay sa mismong humahawak nito. Kung ang isang card holder ay isang matalinong mamimili, kahit anong kaimbihan pa yan, mananatiling kapaki-pakinabang pa rin ang credit card sa kanya.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng credit card ay parang alak na nakakalasing. Sa paglaki ng credit line mo, ikaw ay nalulunod sa pagnanais na gamitin itong lahat hanggang sa ikaw ay mabaon na sa utang. Ito ang pangunahing problema na dapat bigyang solusyon kung nais mapanatiling kapaki-pakinabang ang mga credit card. Dapat ding tandaan na ang credit card ay ginawa para para pakinabangan at hindi para maging pasakit.

Kung lahat ng card holder ay magiging matalino, wais at mapanuri sa paggamit ng kanilang

credit cards, hindi magiging problema ang mga nabanggit na kaimbihan. Ipinapakita lamang ng

pananaliksik na ito na hawak natin ang sagot sa suliranin, na sa atin nakasalalay ang ating ikauunlad o ikababagsak.

(13)

REFERENSYAL

Cornett, M.M. & Saunders, A. (2011). Financial Markets and Institutions (4th ed.). New York: McGraw Hill.

David, R.D. (2012, Hulyo 15). Credit Card Cloning. Philippine Daily Inquirer, pp. A1, A16. Fajardo, F.N. & Manansala, M.I. (1993). Money, Credit, and Banking (4th ed.). Mandaluyong:

National Bookstore.

Miranda, G. (2002). Elements of Business Finance. Laguna: L&G Business House. (Unang nalimbag noong 1991).

Miranda, G. (2002). Commercial Banking. Laguna: L&G Business House. (Unang nalimbag noong 1995).

Miranda, G. (2002). Credits and Collections (4th ed.). Laguna: L&G Business House.

Monsod, M. (2012, Oktubre – Disyembre). Credit Cards and the Society. Business World, pp. 8, 21.

Mutya, R.A. (2002). Introduction to Philippine Money, Credit, and Banking. Mandaluyong: National Bookstore.

Population, Philippines (2012). Nakuha noong mayo 16, 2013 mula sa World Wide Web:

http://www.google.com.ph/publicdata.

Ramirez, D.A. (2011, Mayo). Credit Card usage in the Philippines. Nakuha noong Mayo 15, 2013 mula sa World Wide Web: http://technograph.ph/2011/05/17/credit-card-usage-in- the-philippines-an-overview/.

Sanchez, G.F. (2010, Enero). Credit Pro’s and Con’s. Nakuha noong Mayo 15, 2013 mula sa World Wide Web: http://www.practicalmoneyskills.com/personalfinance/creditdebts/ cards/proscons.php.

Scott, C.E. (2010, Disyembre). Credit Card Advantages and Disadvantages. Nakuha noong Mayo 15, 2013 mula sa World Wide Web: http://www.creditcarddebtproblems.co.uk/ advantages _and_disadvantages.htm.

Referensi

Dokumen terkait

Segala puji syukur kehadirat Allah SWT atas segala nikmat, rahmat, dan hidayah-Nya tidak lupa shalawat serta salam tercurah pada Rasulullah SAW sehingga Tugas

Metode penyambungan dengan mechanical fastening merupakan metoda penyambungan material, khususnya logam secara mekanik dengan menggunakan baut atau paku keling

Kontrasepsi mantap, -arang sekali !ilakukan para pasangan suami istri( Kalau pun !ilakukan !i!asari alasan .ang sangat umum .akni merasa cukup !engan -umla% anak .ang !imiliki(

Baş bölgesi, kalp, akciğerler, mide ve bağırsaklar, böbrekler, Tanden, Vücudun yansı (Hanshin Chiryo), vücudun ağrılı bölgeleri. (Grip olduğum zaman hemen yatar,

)i#kimia adalah ilmu yang mempelajari mengenai berbagai m#lekul di dalam sel hidup dan #rganisme hidup, termasuk juga reaksi kimia yang terjadi. Se%ara lebih /#rmal, $urrau dkk.

Metode yang digunakan untuk mendukung suksesnya penyusunan Laporan Kinerja (LKj) Dinas Kesehatan Kabupaten Merangin Tahun Anggaran 2016, menggunakan metode analisis pengukuran

- Guru memberikan kesempatan kepada siswa untuk bertanya tentang materi Guru memberikan kesempatan kepada siswa untuk bertanya tentang materi pembelajaran yang

Mesin frais adalah salahsatu mesin perkakas dapat digunakan untuk mengerjakan/suatu bentuk benda kerja dengan mempergunakan pisau frais sebagai alat potongya. Dan