• Tidak ada hasil yang ditemukan

Sakit Sa Puso at Diabetes

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Sakit Sa Puso at Diabetes"

Copied!
105
0
0

Teks penuh

(1)

“Ikaw, ano ang bp mo?”

M

arami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating ka-tawan.

Ito ay sinusukat sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na pre-syon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.

Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na sys-tolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.

Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg.

Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod: 1. May ginagawa o napagod.

2. Pag-iba o pagpalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo. 3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.

Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?

Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Alam niyo ba na sa isang

Sakit sa Puso at

Diabetes

(2)

pangkaraniwang barangay, tinatayang mayroong isa sa apat na katao ang may altapresyon.

Heto ang pinakabagong klasipikasyon ng Blood Pressure sa taong edad 18 pataas: Systolic Diastolic Pinakamainam < 120 at < 80 Mataas sa normal 120-139 o 80-89 Altapresyon: Baitang 1 140-159 o 90-99 Baitang 2 > 160 o > 100

Ang mga pangkaraniwang sintomas ng altapresyon ay ang (1) sakit ng ulo sa bandang batok, (2) pagkahilo, (3) mabilis na tibok ng puso na halos kumakabog ang dibdib, at (4) paninikip ng dibdib.

Hindi lahat ng taong may-high blood ay may sintomas. Karamihan nga ay walang nararamdaman. Ngunit delikado pa rin ito. Kung mataas ang inyong presyon, kumonsulta agad sa inyong duktor o health center.

Iwas sa maaalat kung may altapresyon

Isa sa bawat 4 na Pilipino ay may altapresyon. Kapag umaabot na sa edad 60, 1 sa 2 Pilipino ay may altapresyon na. Kung mataas sa 140 over 90 ang iyong presyon, may altapresyon o high blood pressure ka na.

1. Umiwas sa maaalat na pagkain.

Ang pinakabawal sa may altapresyon ay ang pagkaing maaalat tulad ng ham-on, mga sarsa, naka-delatang pagkain, at iba pa. Ang mga instant noodles ay napakataas din sa asin. Ang ginagawa ko ay kinakalahati ko lang ang seasoning ng noodles, pagkatapos ay kalahati din lang ang dami ng sabaw. Sa ganitong paraan, kalahati lang ang alat na makakain ko. Sa bawat pagbabawas ng asin sa pagkain, bababa ang inyong presyon. Ito ay dahil ang asin ay nag-iipon ng tubig sa katawan, na nagdudulot ng altapresyon.

(3)

2. Kung ano ang timpla ng pagkain, huwag nang dagdagan pa ng sawsawan.

Alam kong masarap ang toyo, patis o bagoong, pero maaalat po ito. Kung okay lang sa iyo, mas maigi pa ang suka o calamansi bilang kapalit.

3. Iwas alat, iwas kanser pa.

Ayon kay Dr. Antonio Villalon, isang tanyag na espesyalista sa kanser, ang pag-gamit ng maraming toyo, patis at bagoong ay puwedeng magdulot ng kanser. Nakakatakot hindi ba? Ang sabi ni Dr. Villalon, maaaring may lahi ka na ng kans-er. At kapag “nagising” ang selula mo ng mga masasamang pagkain, ay puwede maging kanser ito. Bukod sa maaalat, umiwas na rin sa mga pagkaing sunog (smoked foods), inihaw, matataba at hilaw (tulad ng kilawin).

4. Hindi mabisa ang pineapple juice sa altapresyon.

Ang pineapple juice ay may vitamin C na masustansya, ngunit hindi po ito lunas sa altapresyon. Marami ang may ganitong maling akala. Ang pinakamabisa sa lahat sa pagbaba ng presyon ay ang pag-iwas sa maaalat at pag-inom ng gamot sa altapresyon. Kumonsulta sa inyong doktor.

Sakit Sa Puso Maiiwasan Na

Ayon sa American Heart Association, may 9 na sanhi ang altapresyon at sakit sa puso.

1. Nagkakaedad. Dumarami ang nagkakaroon ng altapresyon habang tayo

ay tumatanda.

2. Mga lalaki. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon ang

mga lalaki, kaya mas dapat silang mag-ingat at magpa-check up ng maaga.

3. Lahi ng pamilya. Ang altapresyon ay maaaring mamana mula sa mga

ma-gulang. Kung may kamag-anak kayo na maagang namatay sa sakit sa puso (wala pang 50 anyos). Magpa-konsulta din kayo sa inyong duktor.

4. Pagkaing maaalat at matataba. Ang maalat na pagkain ay nagpapataas

ng presyon ng dugo at nagbibigay ng manas sa paa. Ang matatabang pag-kain naman ay nagdudulot ng pagbabara sa ugat ng ating puso at utak.

5. Sobrang katabaan. Dahil dito, ang puso ay mas puwersadong bumomba

(4)

ng dugo. Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang makina at gulong nito. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. Masisira agad ang iyong puso at tuhod.

6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng

hagdanan. Kung kulang ka sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba.

7. Sobrang alak. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang

epe-kto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.

8. Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng

hindi magandang pagdaloy ng ating dugo.

9. Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng

so-brang pagkapagod ng katawang pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.

Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago, maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!

Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin

Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling ga-mot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 – P80 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at Ro-suvastatin.

Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw, paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Hindi ko po sinasabi na hindi mabisa ang mga Statins. Sa katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating ugat. Ngunit kadalasan ay nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan.

Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins?

(5)

Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umaabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.

Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.

Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakata-on puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.

Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estro-gen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause.

Kailan dapat uminom ng Statins?

Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cho-lesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang ga-mot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.

Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga generic na P10 hanggang P20 bawat tableta.

Paano kapag kulang sa pera?

Kapag kapos pa rin sa pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang As-pirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.

Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.

(6)

Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure)

May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel ng puso. Dahil dito, nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong katawan.

Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon, diabetes, paninigarilyo at pagkain ng matataba. May mga batang pasyente na may rheumatic heart dis-ease ang nagkakaroon din ng heart failure.

Paano malalaman kung may heart failure?

Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2D-Echo, kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Nagkakahalaga ito ng P1,500 hanggang P4,000 depende kung saan gagawin. Base sa 2D-Echo, malalaman kung may heart failure ang pasyente.

Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa, paghingal lalo na kapag nakahiga. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gu-mamit ng maraming unan.

Ano ang gamutan?

Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. May mga gamot na ibinibigay tulad ng:

1. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. Dahil mahina ang

puso, nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan.

2. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa

ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure?

1. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang sa isang araw. Kabilang na dito ang sopas, juice, at matutubig na prutas. Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw, 4 na baso na lang ng tubig ang puwede mong inumin.

(7)

plastic na litro ng soft drinks para masukat ang lahat ng iniihi sa isang araw. Sa mga pasyenteng may heart failure at pamamanas, kailangan ay mas madami ang iniihi kaysa sa iniinom. Kung 1 litro ang nainom, kailangan ay 1 o 2 litro ang iihiin sa isang araw. Sa ganitong paraan, mababawasan ang manas at paghingal ng pasyente.

3. Timplahin ang pag-inom ng Furosemide para maabot ang layunin na 1 o 2 litro ng ihi sa isang araw.

4. Kumain ng 2 saging bawat araw. Ito’y para mapalitan ang potassium na nawawala sa katawan sa pag-ihi.

Alam kong mukhang mahirap ang paggamot ng heart failure. Pero napakaram-ing pasyente na ang napagalnapakaram-ing sa ganitong paraan. Huwag mangamba. May pag-asa pa kahit mahina ang inyong puso. Kumonsulta sa inyong doktor.

Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay

Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umi-ihi, o namamayat, magpa-check up para sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes, dapat ay suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 125 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Sorry po.

Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas (o pale sa Tagalog) ay nasira na ng diabetes. Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pan-creas.

Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, mag-diyeta at mag-ehersisyo. Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced tea at mga juices. Mag-tubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng mas regular.

Pangalawa, kung mas mataas pa sa 140 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.

May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Met-Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay

(8)

formin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Glicla-zide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga 5 piso lang ang bawat isang tablet na mabibili sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.

Sa pamamamagitan nitong 2 gamot, dapat ay mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar.

Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pag-dating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang mga paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang makipag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot ito sa dialysis at pagkamatay.

Hindi biro ang sakit na diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong haha-ba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Kumonsulta sa inyong doktor.

Diyeta sa diabetes

Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain at wastong kaalaman. Heto ang mga tips na dapat tandaan.

1. Walang “mild” sa diabetes.

Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pan-creas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.

2. Umiwas sa matatamis at matataba.

Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipi-nas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at mamantika na pagkain.

3. Tumanggi sa Ice Tea, Soft Drinks at Capuccino. Mag-tubig na lang.

(9)

nakapag-daragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang ta-laga ang tunay na walang calories.

4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.

Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakata-taba din ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas ay sampung piraso lang ang puwede.

5. Puwede ang isang kanin, isang gulay at konting karne.

May mga taong hindi na kumakain ng kanin para pumayat. Hindi po ito magan-da. Sa katagalan ay manghihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailangan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 ta-sang kanin ay sapat na, hindi ba? Mag-diyeta para ma-kontrol ang inyong dia-betes.

Murang Gamot sa Diabetes

May 4 na milyong Pilipino ang may diabetes. At napakarami pa ang magkaka-roon nito sa darating na panahon. Bakit ko nasabi ito?

Ito’y dahil sa klase ng ating kinakain. Soft drinks, junk food, sitsirya, taba ng baboy at French fries. May pagsusuri na nagpapatunay na ang soft drinks ay puwedeng magdulot ng diabetes. Ang mga hindi nag-e-ehersisyo at may kata-baan ay maari ding magka-diabetes.

Paano ginagamot ang diabetes?

Sa umpisa ay kinukuha sa diyeta at exercise ang diabetes. Ngunit madalas ay hindi pa rin napapa-normal ang asukal sa dugo. Dahil dito, marami ang nangan-gailangan ng gamutan. Ang pinakamainam na gamot sa diabetes ay ang mga nirereseta ng ating mga doktor.

(10)

1. Metformin 500 mg tablet – Ang Metformin ay binibigay sa pasyenteng

may katabaan. Nakababawas ito ng gana sa pagkain. Ang Metformin ay binibigay mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon depende sa taas ng iyong blood sugar.

2. Gliclazide 80 mg tablet – Ang Gliclazide ay mas malakas magpababa ng

asu-kal kaysa sa Metformin. Iniinom ito ng 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Minsan ay pinagsasabay ang Gliclazide sa Metformin. Ang isang murang brand name ay ang Glubitor na 6 na piso lamang.

Depende sa antas ng inyong blood sugar, tinitimpla ng mga doktor ang dosis ng gamot na ibibigay sa iyo. Ang pinakamataas na dosis na aking binibigay ay ganito: Example: Metformin 500 mg tablet, 3 beses sa isang araw. At Gliclazide 80 mg tablet, 3 beses din sa isang araw.

Pinakamurang gamot sa diabetes

Kung gipit kayo sa budget, may murang mga generic na gamot na mabibili sa mga tindahan tulad ng Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Nagkakahalaga lang ng 2 o 5 piso ang bawat tableta ng Metformin o Gliclazide.

Paano naman ang food supplements?

Sa aking pananaw, mas epektibo ang mga regular na gamot, tulad ng Metfor-min at Gliclazide, kaysa sa mga food supplements. Mas mura pa ang mga ito.

At kapag hindi pa rin bumaba sa normal ang blood sugar, kailangan na ma-gumpisa ng Insulin injections. Huwag pong matakot sa Insulin. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng Insulin para hindi mahirapan ang ating pale (pan-creas). Magpatingin sa inyong doktor.

Huwag Pasaway, Inumin Ang Gamot Niyo

Mayroong mga pasyenteng pasaway. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa dok-tor. Kapag umiigi na ang pakiramdam ay itinitigil na ang gamot, kaya lumalala tuloy ang sakit nila. Ito ang 4 na bagay na dapat nilang tandaan.

(11)

1. Ano ang dapat tandaan ng isang pasyente tungkol sa gamot niya?

Naiinis ang doktor sa pasyenteng hindi alam ang kanilang gamot. “Dok, iyong hugis tatsulok, iyong bilog at iyong kulay pink na gamot.” Ano ba iyan? Ano ba ang tingin mo sa mga doktor, manghuhula. Kaya payo ko sa mga kamag-anak o nag-aalaga sa pasyente, tandaan ang 2 bagay: (1) Ano ang pangalan ng gamot na iniinom? (2) Paano at kailan ito iniinom? Ilista sa papel para hindi makalimu-tan. Importante iyan!

2. Paano masisiguro na regular ang pag-inom ng gamot ng pasyente?

Sa mga madalas makalimot, mayroong nabibiling espesyal na lalagyan ng ga-mot na may markang Lunes hanggang Linggo sa labas. Puwede ring bantayan kung iniinom ng inyong asawa o magulang ang kanilang mga gamot. May mga magulang na hindi iniinom ang kanilang gamot dahil napakamahal daw nito at ayaw nilang pagastusin ang kanilang mga anak. Dahil dito, mahalaga ang pag-unawa ng pamilya. Ibalik si itay o inay sa doktor kada-tatlo o kada-anim na buwan.

3. Puwede bang ihinto ang gamot kung maayos na ang pakiramdam?

Hindi puwede! Tandaan, maraming gamot ang tinatawag na “maintenance medicine.” Ibig sabihin ay i-maintain o ituloy mo ang pag-inom. Dapat inumin ng tuloy-tuloy ang mga gamot sa altapresyon, diabetes at sakit sa puso. Kaya nasa tamang antas ang inyong blood pressure ay dahil may epekto pa ang ga-mot. Kapag inihinto mo ang pag-inom nito, muling tataas ang presyon ng dugo. Kadalasan, panghabang-buhay po ang pag-inom ng mga gamot na ito. Kumon-sulta muna sa inyong doktor bago ihinto o baguhin ang mga gamot.

4. Paano makakamura sa pagbili ng gamot?

Kung kayo ay lampas 60 ang edad, kumuha ng Senior Citizen card sa City Hall at ipakita ito sa botika upang mabigyan ng diskuwentong 20%. Subukang mag-generics dahil mura ang generic na gamot. Sabihin din sa inyong doktor kung puwedeng palitan ng mas murang brand ang mga iniinom na gamot.

Kaya kung puwede lang ay huwag maging pasaway. Inumin ang maintenance na gamot para humaba ang inyong buhay.

(12)

Ang Pinakamasustansyang Pagkaing Pinoy

A

lam mo ba ang mga pinakamasustansyang pagkain para sa ating kalusug-an? Ano ba ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo papasabikin, heto ang aking listahan.

1. Ma-berdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong,

broccoli, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa gulay, sa tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Ang gulay ay mabuti rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, colon can-cer at iba pang kanser.

2. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng sardinas, tilapia, tuna at

mackerel ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Ome-ga-3 supplements ay punong-puno ng healthy na OmeOme-ga-3.

3. Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants.

Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato sauce na gal-ing sa kamatis ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.

4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan – Masustansya ang mga

prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.

5. Carrots – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser.

Tamang Pagkain

(13)

Ito ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Isa pa, nakakapayat ang car-rots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito. Kaya turuan natin ang ating mga anak na kumain ng carrots.

6. Saging – Ang saging ang pinakamasustansyang prutas para sa akin. Puwede

ito gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapa-lan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghi-hina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Kung lagi kayong pawisin at gusto niyong lumakas, mag-saging ka. Nakita niyo na ba si Roger Federer, ang tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban. Kailangan ni Federer ng lakas at sigla, at saging ang sagot.

7. Gatas, keso at yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga

nabang-git ay matatawag nating “complete foods.” Ito’y dahil ang gatas ay may protina, may carbohydrates at may taba din. May calcium pa para sa kababaihan. Nakita niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang pag-inom ng gatas. Sa mga gustong magpapayat, low-fat milk ang inumin.

8. Bawang – Ang bawang ay makatutulong sa pagpapababa ng kolesterol.

Mag-ingat lang sa pagkain nito dahil puwedeng humapdi ang iyong tiyan.

9. Mansanas – “An apple a day, keeps the doctor away.” Tunay po iyang

kasabi-han. May taglay na pectin ang apple na nag-aalis ng dumi sa katawan. Nakaka-busog pa ito at puwede sa mga nag-di-diyeta.

10. Tubig – Kasali ang tubig sa ating listahan dahil marami sa ating Pinoy ang

kulang sa pag-inom ng tubig. Lalu na ngayong tag-init, kailangang uminom ng 8-12 basong tubig. Makatutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi, panli-nis ng katawan, pagbawas ng acid sa tiyan at pampaganda rin ng ating kutis. Siguraduhin lang na malinis ang tubig na iniinom para hindi magka-typhoid o cholera. Bumili ng purified water o pakuluan ng 5 minuto ang tubig.

Mayroon pang 10 pagkain sa aking listahan: (11) Ampalaya para sa diabetes; (12) monggo na mataas sa protina at mura pa; (13) luya tulad ng salabat para sa boses at pagsusuka; (14) oat meal para bumaba ang kolesterol; (15) kamote

(14)

dahil sa taglay na Vitamin A; (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber; (17) taho at tofu; (18) tsa-a tulad ng green tea; (19) buko at buko juice para sa kidneys; at (20) mani para tumalino. Sana po ay matago niyo ang listahang ito at maipama-hagi sa iyong mga kaibigan.

Mga “Not-so-healthy” Foods Na Hilig Ng Pinoy

Alam mo naman tayong mga Pinoy, hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay

may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga may diabetes. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phos-phorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, mag-tubig ka na lang!

9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng

maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong matataba, may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng

calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak – May mga pasyente ang nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso.

Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ito ng maraming kanser.

6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya at chips. Ito’y dahil may halong

vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan kaya turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Medyo hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na

laman, tulad ng kilawin na isda o karneng may dugo pa. Siguraduhin lutong-luto ang inyong kinakain. Hindi sapat ang pagsawsaw sa suka o calamansi para

(15)

mapatay ang mga bulate at mikrobyo.

4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan.

Kapag ang mga street vendors ay hindi naghuhugas ng kamay, puwedeng mail-ipat ang bulate sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at iba pa. Huwag makipagsapalaran.

3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng

utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na puwedeng magdulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chicharon bulaklak – Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman

ang gusto ko at hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” ang sagot ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon – Ang paborito ng lahat kainin ay ang lechon, crispy pata at pata tim.

Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, patikim-tikim na lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan ko ang inyong damdamin, pero iyan po ang buong katotohanan. Mag-ingat!

“Overweight ka ba?”

Alam niyo ba ang inyong tamang timbang? May taong mukhang payat, pero ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.

(16)

Lalake Babae

Taas Timbang Taas Timbang

Pounds Kilo Pounds Kilo

4’ 10’’ 90 40.9 4’ 11’’ 95 43.2 5’ 0’’ 106 48.2 5’ 0’’ 100 45.4 5’ 1’’ 112 50.9 5’ 1’’ 105 47.7 5’ 2’’ 118 53.6 5’ 2’’ 110 50.0 5’ 3’’ 124 56.4 5’ 3’’ 115 52.3 5’ 4’’ 130 59.1 5’ 4’’ 120 54.6 5’ 5’’ 136 61.8 5’ 5’’ 125 56.8 5’ 6’’ 142 64.6 5’ 6’’ 130 59.1 5’ 7’’ 148 67.3 5’ 7’’ 135 61.4

Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang. Kapag lumampas ka ng 10 pounds sa tim-bang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sa puso. Kung sobra ka sa timbang, may ilang tips dito para magpapayat:

1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at juices.

2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman agad ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.

3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampa-payat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.

4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanman-an minamanman-ang iyong kinakain.

5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo.

(17)

Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks

Kung kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyon o gusto lang maging malusog, sundin ninyo ang payo ko: Magbawas tayo sa Iced Tea, soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang maibababa sa timbang ninyo.

Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asu-kal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!

Ayon sa siyentipikong pagsusuri, ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan. Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa ating katawan. Puwede kang magka-osteoporosis. Ang payo ko ay mag-tubig na lang!

Nakatataba ang Pineapple Juice at iba pa

Kung kayo’y may katabaan, ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. Or-ange juice, pineapple juice at kung anu-ano pang juices. Mataas ito sa calories at asukal kahit sabihin mong “unsweetened” pa. Kapag uminom kayo ng maram-ing juices, baka kayo tumaba.

Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyon ang pag-inom ng pineapple juice. Hindi po ito tunay. Gamot, diyeta at exercise lang ang magpapababa ng blood pressure.

Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapayat? Mansanas, peras at konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong matamis. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamadami.

Umiwas sa Coffee at Energy drinks

Walang gaanong benepisyo ang makukuha sa mga coffee drinks. Lalo na kung may halo pang whipped cream, chocolate, at full cream milk ang kape mo. Alam niyo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay 3

(18)

tong kanin na?

Masama din sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caf-feine. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibilis pa ng tibok ng puso. Kung ika’y may altapresyon, bawal ang energy drinks dahil puwedeng tumaas ang blood pressure mo.

Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin. Papayat ka pa at makaiiwas ka pa sa maraming sakit!

One Egg A Day Lang Po!

Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?

May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang it-log ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya.

Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol sa isang araw.

Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine Heart Association. Heto ang payo namin:

1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa koles-terol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang nilagang itlog kaysa sa pritong itlog.

2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetis o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Kung gusto mo kumain ng itlog, mas maigi ang puti ng itlog na lang ang kainin at huwag na lang ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol. 3. Eat eggs in moderation. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang

ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.

(19)

Para sa akin, hindi ko mapapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Kumain ng gulay, prutas at isda.

Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, malunggay, carrots at kalabasa. Sa prutas, sagana sa bitamina ang saging, suha at mansanas. Sa isda naman, mabuti sa katawan ang sardinas, tilapia at bangus belly. Good luck po!

“Dok, ano ang bawal kainin?”

May pasyente ako na nagsabing, “Dok, bakit lahat ng katakam-takam kainin ay masama daw sa katawan?” “Tama ka diyan,” wika ko, “Ewan ko nga ba kung bakit ang masasarap ay bawal?”

Ano ang mga dapat natin kainin at iwasan? Kumain ng mga pagkaing wala o mababa sa taba at kolesterol gaya ng gulay, isda, manok, at skim milk. Mabuti lahat iyan sa katawan. Kung mahilig kayo sa itlog, limitahan ang pagkain nito sa tatlong beses sa isang linggo.

Mag-dahan-dahan tayo sa pagkaing mataas sa taba at kolesterol gaya ng chicharon, lechon, gata, pagkaing prito, at taba ng karne. Limitahan din sa isang beses kada linggo ang mga pagkain ng pato, mantikilya, karne norte, hamon, talaba at alimasag.

Kung kayo ay may altapresyon, bawasan ang maaalat na pagkain tulad ng tocino, sausage, hamon, tuyo, tinapa, asin, toyo, bagoong, patis, vetsin, at mga pagkaing de-lata. Bawal po ang asin sa mga may high blood.

Sa mga misis, may payo tayo sa tamang paraan ng pagluluto ng mga pag-kain. Mainam na magpakulo, magbeyk (maghurno) o mag-ihaw na lamang kaysa sa magprito. Hiwain at tanggalin ang taba sa mga karne. Itapon ang man-tikang lumabas sa karne habang niluluto ito.

Heto ang listahan ng puwedeng ipalit sa mga pagkaing mataas sa kolesterol at asukal.

1. Ang full cream milk ay nakatataba, palitan ng skim milk.

2. Ang taba ng baboy at baka ay masama. Kumain na lang ng taba ng isda na mas-healthy.

3. Ang ensaymada ay maraming mantika at asukal, pan-de-sal na lang. “Dok, ano ang bawal kainin?”

(20)

4. Kung hilig mo ay magpulutan tulad ng chicharon bulaklak, kumain na lang ng popcorn o butong pakwan.

5. Imbis na uminom ng softdrinks o iced tea, magtubig na lang. Tiyak na pa-payat ka diyan.

6. Huwag piliin ang sinangag, sinaing na kanin na lang.

7. Magbawas sa mayonnaise sa ensalada, matutunang gumamit ng suka. 8. Sa mga naglilihi sa ice cream at cake na may icing, puwede bang ice candy

at gulaman na lang?

Alagaan natin ang ating kalusugan. Kumain ng tama.

Saging: Ang Pinakamasustansyang Prutas sa Buong Mundo

May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali na po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day will keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagpapatunay na ang saging ay napakabuti sa katawan.

Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.

Marami ang benepisyo ng saging:

1. Para sa tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at

nangan-gasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phos-pholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

2. Para sa puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at

bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dag-dagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging

dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like

(21)

Piolo Pascual. Tipid pa!

4. Mabuti sa colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban

sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka natin.

5. Para sa nag-e-ehersisyo – Sa mga mahilig mag-ehersisyo, kailangan mo ng

saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa iyong bag.

6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may

trypto-phan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Kaya kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha. Kumain ng saging.

7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o

mang-ga sa bag? Mahirap kainin, hindi ba? Pero ang saging ay napakadali ibaon. Tala-gang ginawa ng Diyos ang saging para kainin.

8. Posibleng makabawas sa leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na

nag-sasabi na kapag ang bata ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka ng saging para lumakas at lumusog.

Kumain ng Malunggay

Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa pagkain ng malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malung-gay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malungmalung-gay. Alamin natin ang galing ng malunggay.

Madaming Bitamina

Ang dahon ng malunggay ay sagana sa calcium at iron. Ang calcium ay nag-papatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay ane-Kumain ng Malunggay

(22)

mic o kulang sa dugo, may iron ang malunggay na nagpapadami ng ating dugo. Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang A at C ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ang lumalaban sa stress at nagpapabagal sa ating pag-edad.

Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat ma-sanay ang mga bata na kumain nito.

Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno.

Mga benepisyo ng malunggay:

1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay

araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng

1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1 tasang dahon sa

gabi. Makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi.

4. Itapal sa sugat - Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na

dahong malunggay sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat. Marami pang galing ang itinatago ng malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran.

Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga

Maraming doktor ang nagulat sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga

(23)

sikreto ng pakwan? Alamin natin ang bisa nito:

1. Maigi sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan

ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.

2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat,

nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan.

3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, posibleng may tulong ang

pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.

4. Tulong sa pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay

napakasus-tansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser. Bukod sa pakwan, ang kamatis ay mayaman din sa lycopene.

5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay mayroong vitamin C at vitamin A na

kailan-gan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay makatutulong sa pag-iwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.

6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa

92% alkaline water. May nagsasabi na mabuti ang alkaline water sa ating sik-mura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisiksik-mura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito.

7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang

pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.

8. Makatutulong sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang

pak-wan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipat-Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga

(24)

ed), kumain ng maraming pakwan.

9. Mainam sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan

ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pak-wan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo sa pantog. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa iyo.

10. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay

makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout), kumain ng pakwan. Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.

11. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at

iron. Dahil dito, nagbibigay ito ng lakas sa katawan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla sa atin.

12. Para makaiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede

tayong mahilo at manghina. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang ka-tas na nagpapalamig sa ating katawan.

13. Para sa sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo

at bandang sentido para matanggal ang sakit ng ulo.

14. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin sa

refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Magiginhawahan kayo at mababawasan ang rashes.

15. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat,

magan-da itong lagyan ng yelo. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso.

16. Bilang pampaputi – Alam niyo ba na may glutathione din ang pakwan? Oo,

ang glutathione ng pakwan ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.

Napakahaba ang listahan ng benepisyo ng pakwan. Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Kain na!

(25)

Sa May Diabetes at Matataba, Bawasan ang Kanin

Ang payo ko sa mga may diabetes o sa mga matataba: Bawasan ang kanin. Bakit? Dahil ang kanin ay nakatataba at nakatataas ng antas ng ating blood sugar. May nadiskubre ngayon ang mga eksperto na kung tawagin ay “good car-bohydrates” at “bad carbohydrates.” Ang good carbohydrates ay hindi gaanong nagpapataas ng asukal sa ating dugo. Ito ang mga gulay, prutas, pansit at wheat bread.

Ang mga bad carbohydrates naman ay ang white rice, patatas at white bread. Kapag ang diabetiko ay kumain ng 2 platong kanin, biglang tataas ang asukal niya sa dugo. Sa katagalan, masisira ang kanyang mga organo.

Para sa mga may diabetes, matutuklasan niyo na biglang tataas ang iyong blood sugar 15 minutos pagkatapos kumain ng rice. Mabilis kasi madurog at ma-absorb ang kanin sa ating katawan. Hindi tulad ng gulay kung saan dahan-dahan ang pagpasok ng sustansya sa ating katawan.

Para sa may katabaan naman, maigi din na bawasan ang kanin. Ang mahilig sa rice ay lumalaki ang bilbil. Ngunit kung tinapay ang hilig, mas papayat sila. Sa umaga, imbes na magkanin at tap-si-log ay mag-pandesal na lang at sardi-nas. Kahit 3 pandesal ay puwede naman. Huwag lang ubusin ang isang supot. Alam kong may mag-rereklamo. “Paano naman iyan, hindi ako mabubusog kung walang kanin?”

Eh, kaya nga tayo tumataba? Sino bang nagsabi na puwede mong ubusin ang isang bandehadong kanin. Nakita niyo na ba ang 1 supot ng kanin sa fast-food. Ganoong karami lang ay sapat na. Damihan mo na lang ang gulay mo tulad ng repolyo, ampalaya at kangkong.

At may sikreto pa ang mga Hapon na umabot sa edad 100. Ang sikreto nila: Huwag daw magpakabusog. Basta may laman lang ang tiyan ay puwede na. Madali silang tumigil sa pagkain. Kaya magbawas sa kanin para pumayat at ma-kontrol ang diabetes. Good luck po.

(26)

Paano Iiwas sa Pagkaing Nakalalason

Nakakaawa po ang ibang balita sa diyaryo, “27 bata nalason sa pagkain.” Dahil dito, naghanda ako ng mga epektibong tips para maka-iwas sa pagkalason.

1. Piliin ang mainit na pagkain. Mas safe ang mga bagong lutong pagkain

tu-lad ng kumukulong sabaw. Mainam din ang hot tea bilang inumin.

2. Piliin ang tuyo na pagkain. Mabilis masira ang mga ulam na may sarsa, lalo

na yung may gata. Para ligtas, kumain na lang ng pritong karne o inihaw na isda.

3. Amuyin, tingnan at tikman muna ang pagkain. Kung amoy panis ang

pag-kain, huwag isubo. Kung lasang ipis, iluwa ito. Kung may itim-itim na mukhang dumi ng ipis, ipaalam sa waiter.

4. Limitahan ang pagkaing may gatas. Madaling mapanis ang cheese whiz,

cheese pimiento, buko salad at mga may mayonesa. Kung hindi mapigilan ang sarili, konti lang ang kainin para kung may mikrobiyo man, ay malalabanan mo pa rin.

5. Huwag kumain ng hilaw. May mga nagpapa-sosyal sa half-cooked na laman,

yung may dugo pa. Mag-ingat at maraming bulate ang puwedeng mamuhay sa karne tulad ng mga beef and pork tapeworms. Lutuin maigi bago kainin.

6. Piliin lang ang kakainin. Alam ko kapag handaan, gusto natin tikman lahat

ng pagkain. Kaya lang, kung may panis na isang putahe ay siguradong damay ka sa pagtatae. Para ligtas, pumili lang ng iilang klase ng pagkain.

7. Malinis na tubig ang inumin. Huwag magbakasakali sa tubig sa gripo. Hindi

po ito malinis at posibleng magdulot ng typhoid, amebiasis at cholera. Delikado po ito at kapag napuruhan kayo, puwedeng makamatay.

8. Mag-ingat sa mga tinda sa kalye. Alam kong masarap ang fish ball,

queck-queck at Pinoy sorbetes. Kaya lang alam mo ba kung kani-kaninong laway na ang nakasawsaw sa sarsa ng fishball? At malinis ba ang sangkap ng pagkain? Kaya mabuti pa na kumain na lang sa bahay. Maghugas tayo ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gumamit ng sabon at kuskusin maigi ang mga kamay

(27)

at kuko ng isang minuto. Turuan din ang ating mga anak ng kalinisan. Hugas kamay lang, iwas sakit na!

Malungkot ka ba? May Pagkaing Pampasaya!

Totoo po, kaibigan. May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga eksperto dito ay “mood-lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay, subukan itong mga pagkain:

1. Kanin, wheat bread at spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin,

pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa atin. Ang carbohydrates ay nagpapataas ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin?

Mas mainam na piliin yung mga good carbohydrates tulad ng wheat bread, brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan, ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba.

2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang

ating pananaw. Dahil sa gatas, tataas ang serotonin sa ating katawan. Ang sero-tonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa!

3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga

matata-bang isda (oily fish) tulad ng mga namatata-banggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutu-long din na pasayahin tayo. Pinapataas ng Omega 3 ang serotonin levels ng ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo. May tulong din ang Omega 3 supplements para sa ating kalusugan.

4. Tsokolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba

ang tsokolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa atin. Sabi ng mga experto, ang pagkain ng tsokolate ay nagpapadami ng endorphins sa ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya sa atin.

(28)

5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba

sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba at baka tumaas pa ang ating kolesterol. Para sa akin, masarap ang gulay tulad ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan. Sa iba naman, masarap ang chicharon, lechon at taba ng baboy.

Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin ang panlasa natin na kumain ng masarap na at masustansya pa. Ang gulay, pru-tas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. Piliin ang mga ito.

(29)

Kailangan Bang Itigil Ang Paninigarilyo?

O

o. Ang buong katotohanan ay ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Gawin natin ang lahat para maitigil ito. Marami ang mga nag-tatanong sa akin:

1. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa altapresyon?

Malaki. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-alaman rin na ito ay nakapagpapakipot ng mga ugat. Dahil sa bara o pagkaki-pot, napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang dumaloy ang dugo sa mga ugat.

Dahil dito, tumataas ang ating presyon. Ang mga ugat na naaapektuhan ay matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay.

2. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo?

Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwil-ing gumamit ang maramnawiwil-ing tao nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondi-syong magtrabaho. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa isang pinagbabawal na gamot.

3. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihihinto ang paninigarilyo?

Marami po. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong kalusugan. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit sa baga (emphysema at kanser), stroke, at atake sa puso. Makakatipid ka rin sa pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin.

Tamang Pamumuhay

(30)

4. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapagpapalakas ng katawan?

Oo. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat, magsisim-ula na itong kusang maghilom. Lalakas ang iyong puso, utak at bato dahil ga-ganda ang daloy ng dugo. Pati sex-life niyo ay titindi rin. Ngunit ang prosesong ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat.

Paano Ititigil Ang Pag-Yosi

Alam kong mahirap itigil and paninigarilyo lalo na kung nakasanayan mo na ito. Pero may pag-asa pa. Kaya mong maihinto ito bagama’t may kahirapan.

Maaaring mangailangan ng ilang ulit na pagsubok sa paghinto bago mag-ing matagumpay sa balak. Ang mga sumusunod ay ilang mga hakbang upang maihinto ang bisyong ito:

• Ihanda ang sarili. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais tumigil. • Pagpasyahan at planuhin nang mabuti.

• Magtakda ng petsa kung kailan talaga titigil.

• Umiwas sa tukso. Pansamantalang lumayo muna sa mga kaibigang na-ninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong huminto na. Itabi ang lahat ng sigarilyo at ashtray sa bahay at opisina. Huwag maglalagay ng sigarilyo sa bulsa.

• Asahan ang pagdating ng tinatawag na “withdrawal symptoms.” Ano ito? Ito ay isang kondisyon kung saan ang buong katawan ay nakarara-nas ng masamang pakiramdam at pagkabalisa dala ng biglang pagtigil sa bisyong nakasanayan na. Ang withdrawal symptoms ay mararana-san sa umpisa ngunit ito ay imararana-sang senyales na ang katawan ay nag-uumpisa nang humilom.

• Humingi ng suporta mula sa mga kamag-anak, kabiyak at kaibigan. • Maging abala sa mga iba’t ibang gawain. Magkaroon ng mga dagdag

na libangan tulad ng sports at pagsasayaw.

• Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil sa paninigarilyo hanggang sa unti-unting makasanayan na hindi ka na gumagamit nito.

(31)

• Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay. Kailangan ang matinding determinasyon para subukan muling humin-to. Mag-pursige.

• Imbis na sigarilyo ang ilagay sa bibig, mag-nicotine gum ka na lang. Magtanong sa duktor o sa botika tungkol sa tamang paggamit ng Nic-otine gum.

Tandaan: Ang paghinto sa paninigarilyo ay di biro. Kailangan ng tiyaga at de-terminasyon upang mapanaig ang kagustuhang maitigil ang paninigarilyo, at mapanumbalik ang kalusugan ng katawan. Kaya mo iyan!

Magsipilyo Ng 3 Beses Bawat Araw

Isa sa laganap na problema ng pinoy ay ang pagkasira ng ngipin. Pumunta sa anumang barangay o eskuwelahan, karamihan ng mga bata ay sira o nabubu-lok ang ngipin. Kapag nangyari ito, ang unang iisipin ng magulang ay ipabunot ang ngipin. Paano naman ang kinabukasan ng bata?

Ang may kasalanan talaga nito ay ang mga magulang. Hindi nila naturuan ang kanilang anak na mag-sipilyo. Ayon sa pagsusuri, kapag laging sira ang iyong ngipin, mababawasan ng 3 taon ang iyong buhay.

Paano ang tamang pagsisipilyo?

Ang tamang paggamit ng toothbrush ay ang pagtagilid sa ngipin ng 45 degrees ang angulo. Dahan-dahan lang ang pag-brush, at pataas ang dapat na pagkilos. Mag-umpisa mula sa pagitan ng ngipin at gilagid.

Ang bawat ngipin ay dapat ma-brush ng 10 beses bawat pagsisipilyo. Sa ganitong paraan, matatanggal ang mga dumi na sumisiksik sa ngipin.

Unahin muna ang mga ngipin sa ibaba, bago sa itaas. Mag-brush sa kaliwa, sa gitna at sa kanan. Abutin din ang likod ng mga ngipin. Mag-brush ng higit-kumulang sa 3 minuto.

(32)

Mga dagdag na payo para sa ngipin

1. Kung hindi kayang mag-brush pagkatapos kumain, magmumog na lang maigi ng tubig.

2. Gumamit ng dental floss (yung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin) araw-araw. Mag-floss kahit isang beses sa isang araw.

3. Bumili ng panlinis ng dila o Tongue Cleaner. Napatunayan na makatatang-gal ito ng bacteria at mabahong hininga.

4. Huwag kumain ng matitigas na bagay at baka mabali ang inyong ngipin. Dahan-dahan lang sa pagkagat ng baboy, baka, butong pakwan at iba pa. 5. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng candy at tsokolate. Nakasisira ito

ng ngipin. Magmumog o uminom ng tubig pagkakain nito.

6. Huwag hayaan si beybi na makatulog na may bote ng gatas sa bibig. Painu-min siya ng tubig pagka-dede para hindi masira ang ngipin.

7. Huwag uminom ng makukulay na inumin tulad ng soft drinks o iced tea. Umiwas din sa paninigarilyo. Nakadidilaw ang mga ito ng ating ngipin. 8. Magpakonsulta sa inyong dentista kada anim na buwan.

Kaya po ang pakiusap ko sa mga magulang, turuan natin ang ating anak na magsipilyo araw-araw. Iwas impeksyon, iwas bad breath at iwas gastos din. Kawawa naman sila kapag lumaki silang bungi. Baka wala nang magkagusto sa kanila.

Maligo Araw-Araw

May masigasig na manliligaw si Linda, isang dalagang 28 anyos. Mabait naman ang lalaki. Hindi naman siya pangit at marunong pang magtrabaho. Kaya lang, may isang pintas si Linda: madumi ang kanyang mga kuko. Binasted ni Linda iyung lalaki dahil hindi siya malinis sa katawan.

Kung tutuusin, tama si Linda dahil napakahalaga ang kalinisan ng katawan. Alam n’yo ba na maraming sakit ang maiiwasan kung tayo ay maliligo maigi araw-araw? Kaya mga bata, ate, kuya at magulang, maligo araw-araw at umiwas sa mga sakit na ito.

(33)

Maligo Araw-Araw

1. Pigsa – Ang mga taong pinipigsa ay kadalasan kulang sa kalinisan. Ang mga

bacteria sa ating balat (ang tawag ay staphylococcus) ang nagdudulot ng pigsa. Maligo at mag-alcohol palagi para makaiwas sa pigsa.

2. Sipon at ubo – Ang sipon at ubo ay madaling makahawa, lalo na sa mga bata.

Madumi kasi ang kanilang mga kamay at punong-puno ng bacteria at virus. Ang solusyong: maghugas ng kamay.

3. Galis (o scabies) – Sabon at tubig ang magandang panlaban sa galis.

Panatili-hin ding malinis ang ating paligid at silid tulugan para Panatili-hindi dapuan nito.

4. Alipunga – Ito ay isang fungal infection sa mga daliri ng paa. Kapag laging

basa ang ating paa at hindi tayo araw-araw naliligo, puwedeng magka-alipun-ga. Pahanginan ang paa at mag-tsinelas muna.

5. Sore eyes – Bacteria sa mata ang sanhi niyan. Sobra itong nakahahawa lalo na

kung nakipagkamay ka sa isang taong may sore eyes.

6. Bulate sa tiyan – Kapag ang mga bata ay naglalaro sa lupa, puwede silang

magkabulate. Nagtatago sa ilalim ng kuko ang mga itlog ng bulate. At kapag isinubo ng bata ang kamay sa bibig, papasok na ang bulate sa tiyan.

Bukod sa mga sakit na ito, mababawasan din ang mga sugat sa katawan kapag maliligo tayo. Maligo mula ulo hanggang paa. Hugasan maigi ang buhok. Gumamit ng shampoo sa buhok at sabon para sa katawan. Hindi puwede ito ipagpalit dahil ang shampoo ay angkop sa buhok at ang sabon ay angkop sa balat.

Gumamit ng tuwalya o bimpo at kuskusin ang buong katawan. Huwag kalig-taan ang mga daliri sa kamay at paa. Huwag magmadali at gumamit ng sapat na tubig. Maligo ng 15 hanggang 20 minutos para malinis ang buong katawan. Tandaan: maligo araw-araw para makaiwas sa sakit.

(34)

Bawasan Ang Stress: 10 Paraan

Lahat ng tao ay may stress sa buhay. May problema sa pera, trabaho, pamilya at pagmamahal. Para mabawasan ang iyong stress, heto ang 10 paraan:

1. Magkaroon ng mabait na kaibigan – Alam mo ba na ang pagkausap sa isang

matalik na kaibigan ay puwedeng makatanggal ng 90% ng iyong problema? Ayon sa pagsusuri, ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigan ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain reliever. Matatanggal ang sakit ng ulo niyo.

2. Mag-alaga ng aso – Malaki ang naitutulong ng alagang aso sa paggaan ng

ating kalooban. Ito’y dahil marunong magbigay ng pagmamahal ang aso sa kanilang amo. Kung ika’y nag-iisa, baka gusto mong mag-alaga ng aso.

3. Mag-alaga ng halaman o house plants – Ang pag-alaga ng halaman sa loob

ng bahay ay nagbibigay ng malinis na hangin (oxygen) at nakatatanggal ng po-lusyon sa ating paligid. Ang hilig ko ay ang “fortune plant” na madaling alagaan.

4. Tumawa. Kahit malungkot ka, subukang manood ng mga masasayang

pala-bas sa TV o sa sine, tulad ng comedy at entertainment shows. Sa ganitong para-an, tataas ang lebel ng mabubuting kemikal (endorphins) sa iyong katawan. Sasaya at gagaan ang iyong pakiramdam.

5. Mag-shopping – Nakalilibang ang pag-shopping. Kahit window-shopping

lang ay puwede na. Hindi ka naman dapat bumili kung ayaw mo. Tumingin na lang ng magagandang bagay sa mall at mababaling na ang iyong isipan.

6. Makipag-tsismis – Ayon sa pagsusuri, nakatatanggal ng stress ang tsismis.

Ngunit puwede namang magagandang balita ang pag-usapan at hindi iyong nakasisira ng kapwa.

7. Magsulat sa diary – May tulong ang pagsusulat ng iyong sinasaloob sa isang

notebook. Nailalabas at naihihinga mo ang iyong problema.

8. Matulog – Ang tulog ay sadyang nagpapalakas ng ating katawan. Ang

pagtu-log ang panahon na naghihilom ang katawan at nanunumbalik ang ating lakas at sigla.

(35)

Bawasan Ang Stress: 10 Paraan

9. Tumulong sa kapwa – Nakagagaan ng pakiramdam ang pagtulong sa

kap-wa, lalo na sa mas mahihirap sa atin. Natutuklasan natin na maliit lang pala ang ating problema kumpara sa ibang tao.

10. Magdasal – Alam natin na ang Diyos lang talaga ang kayang makaintindi at

makatanggal ng ating mga suliranin. Sabi sa Bibliya, “Cast all your burdens upon Him and He shall give you rest.”

(36)

Magpapayat Tips (Part 1)

A

yon sa isang local survey, 40% ng mga kababaihan ay overweight o so-bra sa timbang. Samantala, 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Bakit kaya? Ito’y dahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak. At laging nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo.

Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan (sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o mas mababa pa sa lalaki, at 31 inches sa babae. Kapag lumampas ka dito, ay medyo masama na ito. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis at sakit sa puso.

Sundin ang mga tips para pumayat:

• Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. Magagawa mo ito kapag iiwas ka sa soft drinks o iced tea. Magtubig ka na lang. Zero calories ang tubig. Puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. Gawin mo ito at siguradong papayat ka.

• Maging magalaw o malikot. Habang ika’y naglalakad, igalaw mo ang iyong mga braso. Habang may ka-text, i-martsa mo ang iyong mga paa. Sa ganitong paraan, makababawas ka ng 200 calories bawat araw. • Gumamit ng maliit na plato, iyung 9 inches lang ang sukat. Kapag mali-it ang plato, mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang ka-kainin. Isa pa, wala nang pa-dukot-dukot pa. Kung ano ang nasa plato mo, iyun lang ang kakainin.

• Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Dahil nakabubusog din ang

At Para Sa Kababaihan

(37)

tubig, mas konti lang ang makakain mo.

• Piliin ang masasabaw na pagkain. Mas mabubusog ka sa mga matubig na pagkain. Umorder ng arroz caldo, huwag chicken and rice. Kumain ng pakwan, huwag ang mangga. Ang sopas at ensalada ay magaan din sa tiyan.

• Magbawas ng kanin. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin, gawin na lang 1 tasa. Kung 1 cup rice dati, gawin mo na lang half-cup rice. Nakata-taba kasi ang kanin. Mas maigi pa ang spaghetti o noodles. Sa susunod, magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat.

Magpapayat Tips (Part 2)

Sundin natin ang mga dagdag payong ito para pumayat:

• Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Huwag kakalimutan ang agah-an. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, pu-wedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwe-deng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom bago kumain.

• Masama ang “Crash Diet” o iyung gustong biglang ginugutom ang sar-ili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos ay babawi na ang iyong katawan. Babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay nagpapaigsi ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo.

• Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay, kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi pa ito na-katataba.

• Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. Ito lang talaga ang bawal.

• Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Turuan Magpapayat Tips (Part 2)

(38)

ang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya.

• Sa fast-foods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Veg-etarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories. • Uminom ng Multivitamin kapag nagdi-diyeta. Kalahating tableta lang

ng multivitamin ay puwede na. Kapag walang pera, kumain ka ng 2 saging bawat araw. Maraming vitamins na iyan.

• Bumili ng timbangan. Mura lang ang timbangan, mga P300 lang. Ala-min ang timbang bawat 2 araw. Kapag tumataas ang iyong timbang, piliting mag-diyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan mo ng lakas ng loob para pumayat. Good luck.

Beauty Tips Para Sa Nagtitipid

Napakamahal po ang magpaganda. Maraming beauty procedures tulad ng Obagi na nagkakahalaga ng P21,000 bawat buwan. Ang mga brand name na creams naman ay umaabot sa P3,000-P4,000 bawat bote.

Para sa mga gipit sa budget, may hinanda akong matipid na beauty tips.

1. Umiwas sa araw – Alam n’yo ba ang beauty secret ni Nicole Kidman? Si Nicole

ay hindi nagpapaaraw. Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig mag-beach, pero masisira ang kutis niyo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng ba-lat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light.

Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw tulad ng golf at swim-ming. Tandaan, ang araw ay nakatatanda. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock

(39)

sabihin nito ay kapag 15 minutos ka nakabilad sa araw, parang 1 minuto lang ang exposure mo ng walang sunblock. Hanapin din yung may proteksyon sa UV-A at UV-B. Bilang dagdag proteksyon, puwedeng mag-payong, mag-som-brero o magtakip ng bandana sa mukha.

3. Umiwas sa usok at alikabok – Ito ang malaking problema natin - polusyon.

Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview. Naku, parang umitim ka sa usok. Titigas din ang buhok niyo sa alikabok. Sira na ang beauty ni Mader. Kung may budget, mag-aircon bus ka na lang o magtakip ng mukha. Maipa-payo ko rin ang paggamit ng face mask para hindi malanghap masyado ang masasamang usok.

4. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo, tulad ng usok, ay nakatatanda

sa ating mukha. Ang alak naman ay nakapagpapakulubot din ng balat dahil madi-dehydrate ka.. Hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang inyong ka-tawan.

5. Gumamit ng sabon at tubig – Ayon kay Dra. Francisca Roa, dating presidente

ng Philippine Dermatological Society, simple lang ang sikreto ng pagpapagan-da. Maligo araw-araw. Gumamit ng sabon at maraming tubig para laging malin-is ang katawan. Maganda ang mild soap tulad ng Dove, Tender Care o Johnson’s baby soap.

Mainam din maligo bago matulog. Sa ganitong paraan, hindi kakalat ang dumi mula sa buhok papunta sa mukha. Ang resulta ay tigyawat sa umaga.

6. Uminom ng maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para

manatiling malambot ang ating balat. Nakakita ka na ba ng nakulangan sa tu-big o na-dehydrate? Biglang lumalalim ang kanilang mata at kumukulubot ang kanilang mukha.

7. Magbawas ng stress – Sabi nga, “Huwag kang magalit, at tatanda ka agad.”

Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwi ang mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda.

8. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang beauty sleep para hindi

mag-ka-eye bags. Sa mga problemado, subukan mag-relax bago matulog. Maglaro Beauty Tips Para Sa Nagtitipid

(40)

muna. Maglibang. At kung hindi ka makatulog ay humiga na lang kahit gising. Sa ganitong paraan, makakapahinga pa din ang katawan natin.

9. Huwag matulog ng nakadapa – May nagsasabi na kapag naipit n’yo ang

in-yong mukha habang natutulog, madali itong magkakalinya. Matulog ng nakati-haya.

10. Mag-lotion sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang mga

lo-tion. Maghugas muna ng mukha, tapos maglagay ng lolo-tion. Hindi naman kai-langan bumili ng mamahaling brands.

11. Healthy eating – Kumain ng tama at masustansya tulad ng prutas at gulay

na sagana sa vitamins and minerals. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.

11. Healthy living – Mag-exercise. Magkaroon ng libangan. Maging abala sa

magandang gawain. Ang importante ay masaya kayo para sumigla ang ka-tawan.

12. Magdasal at tumulong sa kapwa – Hindi ba ang tunay na kagandahan ay

wala sa labas kundi nasa loob ng isang tao? Ang “inner beauty” ay mas tumata-gal at nangingibabaw kaysa sa “outer beauty.” Naalala niyo ba si Mother Tere-sa? Madami siyang wrinkles pero parang may ilaw ang kanyang mukha. Basta maganda ang saloobin mo, parang beautiful ka na rin.

Pampaputi Ng Balat: Ano Ang Tunay?

Ang mga Pilipino ay moreno kaya medyo maitim ang ating balat. Ang ibig-sabihin ay medyo marami ang Melanin pigment sa ating balat. Ang melanin ay nagpo-protekta ng balat laban sa masamang ultraviolet radiation (UV-light) ng araw. Kapag lagi kang nasa araw, dadami ang inyong melanin.

Usong-uso ngayon ang mga paraan na pampaputi. Pero ano ba talaga ang tunay at napatunayan na ng siyensiya? Ito ang aking mapapayo:

1. Gumamit ng Sunblock – Kung gusto ninyong pumuti, kailangan umiwas

Referensi

Dokumen terkait

Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5% bahagi sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan ng kita, mga

Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga

Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan sa fraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay ang

Di nagtagal, sa tulong ng ECLIPSE ay natutunan ng mga bata ang mga kasanayan tulad ng pagsusuri sa kalagayan, pamumuno at pagpapalakas sa samahan, pakikiisa sa iba pang mga samahang

Magpatubig na 25 lang ulit kung kinakailangan mula pagsuwi hanggang 1-2 linggo bago mag- 26 ani.. Magpataba ng 2 bag na Urea kung tag-araw at 1 bag kung tag-ulan sa 27 isang

Para sa ilang nainterbyung mambabasa ng Precious Hearts Romances, walang problema kung babaguhin sa salin gagawing tunog- Filipino ang mga pangalan ng mga tauhan o lugar—kung hindi pa