• Tidak ada hasil yang ditemukan

Teoryang Sosyolinggwistik

N/A
N/A
Eve xyz

Academic year: 2025

Membagikan "Teoryang Sosyolinggwistik"

Copied!
2
0
0

Teks penuh

(1)

Teoryang Sosyolinggwistik

pamamalagay (assumption) na ang wika ay isangpanlipunang phenomenon.-nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isangindibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal ogrupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil saiba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.

Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al. 2010, ang sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng paggamit ng

heterogenous ng wika dahil samagkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan,interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isangsimpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isangsistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang pagsama-sama ngmga anyo sa isang nagkakaibang cultural at sosyal na mga gawain at grupo.Ayon naman sa pagtatalakay sa dyornal na inilathala ng Shiffield Academy saUnited Kingdom, ang sosyolinggwistika ay ang

pinagsamang pag-aaral ngsosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at ang lipunan:

Ayon dito malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaankung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang lipunan. Kung saan ang sosyolinggwistika ay ang teoryang

nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mgatao sa isang particular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng tao dito.

Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay teorya nabatay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.

Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, naang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.

Ayon naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sasinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isangkolektibo o pangkat

Gayundin makikita ang paghahalo ng barayti ng wika sa dayalekto at register sa dalawang paraan.

a. Code switching o palit koda Ito ay gumagamit ang isang nagsasalita ng iba't ibang barayti ayon sa sitwasyon o okasyon.

Halimbawa: usapan ng mga kabataan ngayon na nag-aaral sa kolehiyo.

(2)

"O, how sungit naman our teaher in Filipino"

"Hoy, na-gets mob a sabi ko sa text ko"

Ito ang tinatawag na Conversational code switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng iba't ibang barayt o code sa iisang pangngusap. Dito naghahalo ang Ingles at Filipino. Mayroon din code sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita.

Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng wika ng lalawiganin o rehiyunal.

b. Panghihiram

Sa paraan ito, hinihiram ang isang salita o higit pa mula sa isang baayti tungo sa isang pang barayti dahil walang katumbaw ang mga ito sa barayting ginagamit ng nagsasalita.

Tinatawag itong lexical borrowing. Maihahalimbawa ang pangalan ng pagkain ng narito ngayon sa bansa na may kulturang dala mula sa pinagmulan nito. (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, French fries: mga salitang dala ng pagbabago sa

teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette,fax internet, email at iba pa.

Kaugnay parin ng sosyolinggwistikong teorya ang mga ideya ng pagiging heterogeneousng wika o ang pagkakaroon ng iba't ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang anyong ito.

Sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti/ register/ anyo ng wika nagreresulta ito sa pananaw g pagkakaroon ng herarkiya ng wika.

Tinatawag ito ni Berstein (1972)na Deficit Hyphothesis, na batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan sa England. Nakit niya na may magkaibang katangian ang wika ng mga batang mula sa mahihirap na kalagayan.

Nakita niya na may katangiang masuri at abstrak (elaborated code)ang wika ng una at detalyado at deskriptibo (restricted code) naman sa huli. Ito ay hindi sinang-ayunan ni Labov(1972), ang pananaw na ito sa dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay- pantay sa wika ang ganitong pagtingin. Itinaguyod niya ang

konseptong baryabilidad ng wika (variability concept) Sa paniniwal niya, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at

pagkakaroon ng barayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang mga baayting ito -walang mababa, walang

mataas. Makabuluhan ang paniniwalng ito sa ating pagtuturo ng Filipino kaugnay ng iba pang wika sa iba't ibang rehiyon.

Referensi

Dokumen terkait

Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay,

Sa pamamagitan ng paggamit ng Lingua Franca ay pinapanatiling mabilis at madaling komunikasyon ang mga taong nag-uusap na magkaiba ng pangunahing wika.. Ang Diyalekto ay maiuugnay

Sa pag-aaral na tulad nito, hindi lamang salita o wika ang binusisi ng mananaliksik kundi maging ang kahulugan o silbi ng tula kaya may kiling ang

Hindi ba’t ikaw ay anak ng isang hamak na karpintero lamang!. (magtatawa

Isang salik dito ay ang pagbagsak ng mga kabataan sa “premarital sex” o pakikipagtalik ng hindi kasal nang hindi gumagamit ng natural at artipisyal na family

Ang koleksyon ay makabuluhan dahil makikita—sa sinulat hindi ni Recca kundi ng kanyang pamilya, mga kasama, kapanalig, at organisasyon – ang reenactment ng transformasyon ng buhay ni

Kung kaya ang larangan ng pananaliksik at impormasyon ay may bahid hindi lamang ng kasinungalingan kundi ng dugo.. Paulit-ulit na kailangang ikintal na ang pananaliksik ay isang tereyn

Ang teksto ay nakatuloy sa pag-aaral ng isang tunay na pang-unawa ng teknologinya at ang mga pang-unawa na