• Tidak ada hasil yang ditemukan

1 to 5

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "1 to 5"

Copied!
27
0
0

Teks penuh

(1)

Kabanata 1

MGA SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Sa mundong ating ginagalawan, marami na ang pagbabagong nagaganap. Dito sa Pilipinas, marami na tayong tradisyon at kaugalian na nagbago na dulot ng makabagong teknolohiya at impluwensiya ng kultura mula sa iba’t ibang bansa. Isa na rito ay ang pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino.

Ayon sa Wikipedia (2012), ang panliligaw ay isang gawain ng taong nangingibig o nanunuyo sa isang taong napupusuan niya Isa itong pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin at pagpapatunay ng malinis na hangarin upang makamit ng mangingibig ang pagtanggap at pag-ibig ng kanyang napupusuan. Likas na sa mga Pilipino ang panliligaw, isang katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Ilang halimbawa nito ay ang paghaharana at ang panunuyo. Mayroon din namang ibang gumagawa ng liham ng pag-ibig, dito pinapahayag sa pamamagitan ng isang liham ang saloobin ng isang manliligaw na hindi niya magawang masabi ng harap harapan sa kanyang nililigawan.

Ayon naman kay Tom Brown (2011), ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na pagkilala sa isang tao

(2)

sapat para malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag-asawa.

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, dahil na rin sa maraming kadahilanan, ang istilo at pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino ngayon ay nagbago na.

Balangkas Teoretikal

Naging batayan ng pag-aaral na ito ang teoryang sosyolohikal kung saan ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanilang panahon.

Samakatuwid,ang pag-aaral na ito ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.

Paradayn ng Pag-aaral

(3)

Nais ng mga mananaliksik na malaman ang iba’t ibang pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon kung kaya’t gumawa sila ng mga talaan na naglalaman ng mga katanungan hinggil sa paksang pag-aaralan.

PROSESO

Ang mga mananaliksik ay magtatanong sa mga piling mga nakakatanda at mga kabataan sa panahon ngayon batay sa talaan na ginawa nila upang makakalap ng datos hinggil sa paksang pinag-aaralan.

OUTPUT

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng paraan ng panliligaw sa panahon noon at ng pangkasalukuyan.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pagsusuring ito na maipaghambing ang makabago at makalumang istilo o pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino sa

(4)

pananaw ng iba’t ibang tao na aming pagtatanungan. Sinasagot din nito ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Paano nagkakaiba ang makabago at makalumang pamamaraan at

istilo ng panliligaw?

2. Anu ano ang mga pamamaraan at istilo ng panliligaw noon at

ngayon?

3. Alin sa mga pamamaraan ng panliligaw noon ang tinatangkilik

pa rin hanggang ngayon?

4. Ano ang pananaw ng mga kabataan sa pamamaraan ng

panliligaw noon?

5. Ano ang pananaw ng mga matatanda sa pamamaraan ng

panliligaw ngayon?

6. Ano ang pananaw ng mga kababaihan tungkol sa pamamaraan

ng panliligaw noon at ngayon?

(5)

1. Ang makalumang paraan ng panliligaw ay maraming

dinadaanang proseso upang mapatunayan o mapakita ang iyong nararamdaman sa iyong nililigawan samantalang sa makabagong paraan ng panliligaw ngayon, kaunting bola lamang sa iyong nililigawan ay tiyak makakamit mo ang iyong ninanais na tugon.

2. Isa sa mga istilo ng panliligaw noon ay ang pagtulong sa mga

gawaing bahay ng mga kalalakihan tulad ng pag-iigib ng tubig, pagtulong sa paglalaba, pagsisibak ng kahoy at iba pa. Sa istilo naman ng panliligaw ngayon, iniimbitahan ng mga

kalalakihan ang kanilang nililigawan na lumabas at mamasyal upang makakapagliwaliw bilang pagpapapakitang gilas dito.

3. Ang kinagigiliwan pa rin hanggang ngayon na istilo ng

panliligaw noon ay ang pagbibigay ng mga regalo sa kanilang nililigawan katulad na lamang ng tsokolate, bulaklak tulad ng rosas at kung anu-ano pang bagay o pagkain na gusto ng kanilang nililigawan.

4. Masyadong mahirap ang panliligaw noon na tila ba hindi

makakayanan ng mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, masasabi natin na sadyang napakadaling manligaw. Wala na

(6)

sigurong kabataan ang nais tumulad sa pamamaran ng panliligaw noon.

5. Ang panliligaw ngayon ay sadyang napakadali kumpara sa

paraan ng panliligaw noon, sadyang napakaswerte ng mga kabataan ngayon sapagkat hindi nila naranasan ang paraan ng panliligaw noon upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng aming nililigawan.

6. Ang panliligaw noon ay sadyang nakakakilig at talagang

mapapatunayan ng manliligaw na mahal niya ang kanyang nililigawan, kumpara ngayon na sa text at chat na lang

nanliligaw ang mga lalaki kaya hindi mo malalaman kung sila nga ay seryoso o hindi sa kanilang ginagawa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa kabataan, ang pananaliksik na ginawa ay naglalayong ipaunawa ang pagkakaiba ng paraan ng panliligaw sa panahon nila ngayon sa pamamaraan ng mga nakatatanda noon. Nais ipabatid ng mananaliksik ang mga epektibong pamamaraan ng panliligaw noon na maari pa ring gamitin sa ngayon.

(7)

Sa mga magulang, ang pananaliksik ay ginawa upang magkaroon sila ng ideya sa sistema ng panliligaw ng mga kabataan,na maaaring kinabibilangan ng kanilang mga anak, sa panahon ngayon at upang maipabatid din sa kanila ang pananaw ng mga kabataan sa pakikitungo sa kasalungat na kasarian upang mas magabayan pa nila ang mga tinedyer sa larangan ng panliligaw.

Sa iba pang mananaliksik, maaring magsilbing bago at karagdagang impormasyon ang pananaliksik na ito sa kanila na naghahanap ng datos para sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa sitwasyon, damdamin at pananaw ng ilang kabataan at ilang nakatatanda sa pagkakaiba ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Saklaw nito ang labinlimang nkakatatandang kalalakihan na nagtatrabaho sa kompanyang MERALCO at tatlumpu’t limang kabataan na kasalukuyang nag-aaral sa Rizal Technological University. Hindi magbibigay ng pangalan ng mga respondent bilang respeto sa kanilang personal na pamumuhay.

(8)

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa labinlimang manggagawa sa MERALCO at dalawampu’t limang estudyante sa unibersidad sapagkat sila na ang pinakamalapit na respondente na makakatugon sa pangangailangan ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa proseso ng panliligaw noon at ngayon at hindi na tatakayin pa ang mga pangyayari ng nagaganap matapos ang proseso ng panliligaw.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Tradisyon ang tawag sa mga namanang kaugalian.

Kultura ay ang tradisyon o paniniwala na natutunan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Istilo ay uri ng pamamaraan na ginagamit ng isang tao sa araw-araw.

Pagtangkilik ay ang pagsuporta sa isang produkto o kaisipan.Tuklasin ay ang kakayahan na alamin o kilalanin ang tao, mga

(9)

Manggagawa ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho sa mga institusyon o kompanya

Sitwasyon ay ang pangkalahatang kalagayan ng isang tao sa isang lugar o pangyayari

Kabanata 2

(10)

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa kung ano ang panliligaw sa panahon noon at ngayon.

Literatura

Ayon sa isang entry sa social networking site na tumbler, ang panliligaw daw ay isang yugto sa buhay kung saan ang dalawang tao ay kinikilala ang bawat isa hanggang sa madebelop sa isang romantikong relasyon. Saanmang lugar, anumang oras, may dalawang nilalang na pagtatagpuin at ang isa sa kanila ay nakatakdang maranasan ang panliligaw sa natitirang isa pa.

Ayon kay sa elektronikong blog ni Abner (2011), inilarawan niya ang uri ng panliligaw na mayroon noong naunang mga panahon. Aniya, ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng panghaharana kasama ng kanyang barkada na pupunta ang binata sa bahay ng dalagang kanyang sinisinta, bitbit ang kanilang gitara at

(11)

lakas ng loob. Sa tapat ng durungawan ng babae, idaraan ng lalaki ang kanyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit, kahit sintunado’t pipiyuk-piyok ang boses at pulos palya ang paggigitara. Minsan magtatagumpay ang binata’t makukuha ang matamis na ‘oo’ ng dalaga (pati ng mga magulang, ngunit daraan ang binata nyan sa butas ng karayom), minsan naman nabubuhusan sila ng balde ng tubig mula sa bintana, akala kasi mga asong nag-aaway (may mga nagsabi naman na arinola ang ibinubuhos). Ayon din sa kanya nababaon na ang ganitong klase ng tradisyon dahil sa teknolohiya. Kung dati’y tutungo pa ang binata sa tahanan ng dalaga, ngayon ay tatawagan, itetext o ifeFacebook na lang. Hindi na rin niya kailangan awitan ang dalaga. Dalhin mo lang sa Enchanted yan at regaluhan ng Blue Magic na stuffed toy, kayo na. Minsan nga, at mas dumadalas na rin, babae pa ang umaakyat ng ligaw. Nagbabago ang kalakaran ng tao kasabay ng pagbabgo ng panahon.

Ayon naman kay Miss Sassy Girl (2008), masasabi lang na nanliligaw ang isang lalaki kapag sinabihan na niya ang kanyang nililigawan na mahal niya ito. Ayon pa kay Ronald Molmisa (2010), ang kahandaan sa panliligaw ay hindi usapin ng edad o tagal ng

(12)

pagiging single. Mas mahalagang malaman kung nasa tamang kundisyon ang pagkatao, puso at isip ng isang tao.

Ayon kay Judy Garland, kaya niyang mabuhay ng walang pera ngunit hindi ang pag-ibig. Sa anumang henerasyon ng tao, makikita natin handang gawin ng isang manliligaw ang lahat upang mapasagot ang kanyang sinisinta.

Pag-aaral

Ayon sa isang pananaliksik, ang paraan ng panliligaw sa Pilipinas ng isang lalaki sa kanyang sinisinta ay para na ring panliligaw sa kanyang buong pamilya. Niyaya rin ng isang manliligaw na lumbas hindi lang ang kanyang nililigawan, kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito. Ang panliligaw ay paglalaan ng oras ng dalawang tao sa isa’t isa upang kilalanin ang pamilya at kaibigan ng bawat isa ayon din sa pananaliksik ng Sisters.

Ayon sa pananaliksik ng grupo ni Ms. Kristen (1999), ang mga edad ng mga taong interesado sa panliligaw ay sa edad ng mga nag-aaral sa kolehiyo o isang estudyante. Ang panliligaw ayon rin sa

(13)

kanya ay isang gawain na naiimpluwensyahan ng oras, kundisyon ng paligid, kultura at institusyon na kinapapaligiran ng isang tao.

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral tungkol sa makaluma at makabagong pamamaraan o istilo ng panliligaw ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong

(14)

pananaliksik,ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive-Analytic Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng datos. Nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng pag-iinterbyu sa mga respondente. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkatmas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon

Ang mga piniling tagatugon ng mga mananliksik sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral sa unang taon ng College of Engineering and Industrial Technology, Electrical Engineering Department sa Rizal Technological University sa ikalawang semester sa taong akademiko 2011-2012. Apatnapu lamang o halos 25 porsiyento ng kabuuang bilang ng aaral an gaming piniling tagatugon dahil sa malaking bilang ng mga mag-aaral sa unang taon.

Pumili rin ang mga mananaliksik ng ilang tagatugon mula sa labas ng unibersidad. Pumili ang mga mananaliksik ng dalampung piling empleyado ng MERALCO-Pasig Metering Services Department bilang tagatugon sa aming pananaliksik. Ang mga piniling tagatugon ay 50 porsiyento ng bilang

(15)

ng empleyado sa departamento at napili upang mas makakuha ang mga mananaliksik ng konkreto o mas tiyak na kasagutan.

Paglalarawan ng mga Tagatugon

Ang mga napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga kabataan na may-edad labing anim hanggang labing siyam na taong gulang at ang mga nakakatatandang tagatugon ay mayroong edad treinta hanggang sikwenta anyos. Sila ang napili ng mga mananaliksik sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga tagatugon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng gabay na mga tanong na naglalayon na makapangalap ng datos upang masuri ang iba’t ibang pananaw sa mga makaluma at makabagong pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino.

(16)

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa aklatan. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon mula sa elektronikong sanggunian.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang kung kaya’t walang ginawang pagtatangka ang mga mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na na istatistikal na pamamaraan. Kalagayan at damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa talatanungang ipinagkaloob sa kanila ng mananaliksik. Ang bilang o dami ng pagsagot ng bawat aytem sa talatanungan ang inalam ng mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsiyento lamang ang kakailanganing gawin ng mga mananaliksik. Dahil apatnapu lamang ang napiling respondent, magiging madali para sa mananaliksikang pagkuha ng porsiyento.

Pormula:

Bahagdan = (f/N) X 100

Kung saan : f= frequency o dalas ng sagot N = bilang ng respondente

(17)

Kabanata 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Matapos ang masigasig na pangangalap ng mga datos ng mananaliksik, sa tulong din ng mga respondante na sumagot sa gabay na talatanungang ginawa, narito ang ilang tala ng mga datos na kanilang nakuha.

Graf 1: Kasarian ng mga Respondante

Lalake

60%

Babae

40%

(18)

Apatnapung porsyento o dalawampu sa limampung respondante ang babae, samantalang tatlumpu o animnapung porsyento naman sa napiling respondante ang kalalakihan.

Minabuti ng mga mananaliksik na pumili ng mas maraming lalaking respondante sa pag aakalang mas maraming makakalap na datos ang mga mananaliksik sa mga lalaking respondante base sa kanilang karanasan.

Animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng mga respondante ay mga kabataan na nasa edad kinse hanggang dalawampu’t dalawang taong

(19)

gulang; at tatlumpu’t pitong porsyento naman ay mga nakatatanda na nasa apatnapung taong gulang o higit pa.

Pansinin ang sumusunod na graf.

63% 37% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70%

15-22 Taong Gulang 40 Taon Pataas

(20)

Talahanayan

Ipinapakita sa naturang talahanayan ang pagkakahawig at at pagkakaiba ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Mapapansin na dahil sa pagbabago ng pamumuhay ng tao dito sa mundo, nagbabago rin ang pamamaraan ng panliligaw.

Sa isinagawang talatanungan ng mga mananaliksik, kanilang natuklasan na marami pa ring istilo ng panliligaw noon ang mabisa pa rin hanggang ngayon. Narito ang talaan ng mga istilo ng panliligaw noon na epektibo pa ring gamitin ngayon.

NOON NGAYON

Taon ang tinatagal ng ligawan Buwan, Linggo, Araw o minsan Oras na lang ang panliligaw Pagbibigay ng bulaklak at

tsokolate Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate Pagbisita sa bahay ng

nililigawan Sa eskwela o minsan sa klase Panghaharana Pagpapahaging sa videoke Paggamit ng tulay Paggamit ng cellphone Paggawa ng tula at liham ng

pag-ibig Pagpasa ng love quotes Kailangan ng pahintulot ng mga

(21)

Graf 3:

Mga epektibong pamamaraan ng panliligaw noon

at ngayon

24%

19%

24%

25%

8%

Pagdalaw sa bahay ng babae Pagbibigay ng sulat ng pag-ibig Pagtawag sa telepono o pagtetext Pagbibigay ng bulaklak at regalo sa nililigawan Pagyayang kumain sa labas

Ayon sa naturang graf, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng mga respondante ang nagsasabing pinaka mabisa pa ring paraan ng panliligaw ang pagbibigay ng bulaklak at regalo ng isang manliligaw sa kanyang nililigawan.sumunod naman na may tig dalawampu’t apat na porsyento (24%) ang pagdalaw sa bahay ng nililigawan at pagtawag sa telepono o pagtetext. Ang pagbibigay naman ng sulat ng pag-ibig ay may labing siyam

(22)

18%

28%

54%

0%

20%

40%

60%

Noon

Ngayon Depende

Graf 4-b:

Pangkalahatang pananaw ng mga respondante

kung aling istilo ng panliligaw ang mas

nagugustuhan nila

na porsyento (19%), samantalang ang pagyayayang kumain sa labas ay nakakuha ng walong porsyento mula sa mga respondante.

0

5

10

15

Graf 4-a:

Pananaw ng mga respondante kung aling istilo ng panliligaw ang mas nagugustuhan nila

Nakatatanda

Edad 15-22 na

Babae

Edad 15-22 na

Lalake

(23)

Ayon sa graf 4-b, limampu’t apat na porsyento (54%) o dalawampu’t pito sa kabuoang limampung respondante ang nagugustuhan pa rin ang makalumang pamamaraan ng panliligaw. Karamihan ditto ay mga babae na makikita sa graf 4-a. Dalawampu’t walong porsyento naman ang nagsasabing mas maganda ang makabagong pamamaraan ng panliligaw ngayon, samantalang may labing walong porsyento ng respondante ang nagsasabing dumedepende lang sa sitwasyon kung aling pamamaraan ng panliligaw ang mas magugustuhan nila.

Paglalagom ng Natuklasan

Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at makalumang pamamaraan ng mpanliligaw; Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, napag alamang marami pa rin sa mga kababaihan ang naniniwalang mas magandang pamamaraan ng panliligaw ang makalumang pamamaraan. Sapagkat mahaba ang proseso noon ng pagliligawan, magkakakilanlan ng husto ng manliligaw at kanyang nililigawan. At higit sa lahat, marararamdaman ang sinseridad ng manliligaw dahil sa kanyang pagtitiyaga. Sabi nga ng iba, seryoso daw ang mga manliligaw noon, hindi kagaya ngayon.

(24)

Iyon din ang palagay ng mga nakatatanda, ibang iba na daw ang pamamaraan ng panliligaw ngayon. Halos wala na raw kahirap hirap ang mga manliligaw ngayon. Minsan pa nga ay lalaki pa ang nililigawan.

(25)

Kabanata 5

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon at rekomendasyon:

Konklusyon

Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at makalumang pamamaraan ng panliligaw, masasabing malaki na nga ang pagbabagong naganap sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon.ilan sa mga ito ay dahil sa impluwensiya ng mga kultura ng ibang bansa; at ang ilan ay dahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya.

Sa ginawang pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas nagugustuhan ng mga kababaihan ang makalumang pamamaraan ng panliligaw kumpara sa makabagong pamamaraan. Marahil ay nakikita kasi ng isang babae kung gaano kapursigido ang mga manliligaw noon. hindi katulad sa panahon ngayon na masyado na tayong nagmamadali. Kaya’t kadalasan ay hindi nagtatagal ang isang relasyon dahil sa hindi pa lubos na magkakilala ang isang manliligaw at ang kanyang nililigawan.

(26)

Mayroon din namang ilang pamamaraan ng panliligaw noon na nananatili pa ring epektibo hanggang ngayon. Isa na rito ay ang pagdalaw ng manliligaw sa tahanan ng kanyang nililigawan. Magpapakilala ang isang manliligaw sa pamilya ng kanyang nililigawan lalo na sa magulang ng kanyang nililigawan, Sa ganitong paraan kasi ay malaki ang pag asa ng isang manliligaw na mapasagot ang kanyang nililigawan sapagkat naipapamalas ng manliligaw ang kanyang katapatan at malinis na hangarin.

Rekomendasyon

Matapos ang isinagawang pag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng mga pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon, iminumungkahi ng mga mananaliksik na huwag nating tuluyang kalimutan ang istilo o pamamaraan ng panliligaw noon. Bagama’t mabilis ang pagbabago ng teknolohiya na dahilan upang magbago na rin ang pamamaraan ng panliligaw ngayon. Nais ng mananaliksik na ipaalam sa mga kabataan at sa mga susunod pa kung ano ang dating ng makalumang pamamaraan ng panliligaw.

Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na sa pag-aaral na gagawin sa hinaharap ay magkaroon ng mas detalyadong pananaliksik at

(27)

magsagawa ng sarbey ukol sa pahahambing ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon.

Referensi

Dokumen terkait

Salah satu tehniknya aalah autohipnosis (selfhipnosis) atau s7asugesti alam menghaapi an men2alani kehamilan serta persiapan melahirkan sehingga para 7anita hamil

Penelitian ini bertujuan untuk mengidentifikasi makna implikatur yang ada dalam teks bahasa sumber, jenis implikatur yang digunakan, teknik penerjemahan

Kinetika reaksi enzimatik dapat diukur dengan mengukur jumlah substrat yang diubah atau produk yang dihasilkan per satuan waktu, dan pada suatu waktu yang sangat pendek,

Nyeri dada bisa berkaitan dengan masalah jantung seperti gangguan konduksi (disritmia), perubahan kardiak output, kerusakan fungsi katup, atau infark, dll. Paru

Jumlah angka yang harus di raih dalam satu set permainan bola voli adalah «« angka5.

2015, secara umum persen- tase penduduk yang bekerja pada sektor industri mengal- ami penurunan sebesar 0,16 persen bila dibandingkan dengan tahun sebelumnya yaitu dari 10,23

Akumulasi biomassa seresah di lantai hutan sangat dipengaruhi oleh kecepatan dekomposisi seresah tersebut, kecepatan dekomposisi ini salah satunya dipengaruhioleh nisbah C-N yang

Mesin frais adalah salahsatu mesin perkakas dapat digunakan untuk mengerjakan/suatu bentuk benda kerja dengan mempergunakan pisau frais sebagai alat potongya. Dan