Nagugul’han pa ako ngayon Naghihintay na sila doon
May panahong magduda at magtanong Ngayon ay panahon ng pagharap at pagsulong Pagtatanong ay huwag lubayan
Tunggalian ay walang katapusan —Awit ng Peti-burges
Pinatay ni Ala ang pihitan ng shower nang maramdamang namamanhid na ang buong katawan niya sa lamig. Ilang saglit muna siyang di kumilos, hinayaang gumapang sa katawan ang mga patak ng tubig na ilang araw din niyang di naramdaman sa balat niya. Nanatili siyang nakasandal sa malamig na sementong dingding, pikit ang mga mata, sarado ang pandinig sa ingay ng mundo.
Ilang minuto ang lumipas at bigla siyang dumilat. Alam na niya ang gagawin. Kakaiba ang naramdaman niya nang biyakin ng masayang ngiti ang mukha niya. Sa tagal ng panahong di niya pag-ngiti, parang nakalimutan na niya kung gaano ito kagaan sa pakiramdam.
Makalipas ang mahabang panahon sa dilim, parang sumisilay na ang liwanag. Aandap-andap sa umpisa, pero alam niyang iisa ang direksyong
tutunguhin nito. At kung nasaan ang liwanag, doon siya.
Muli niyang ipinikit ang mata, mariin, malalim. Nakikita niya ang umuugoy-ugoy na bumbilyang nakasabit sa pamakuan ng kisame. Di niya kayang iwasan ang liwanag ng bumbilya, anumang diin ng pagkakapikit.
At naririnig niya ang halakhakan ng mga putangina.
Nilaliman niya pa lalo ang sisid ng mga mata sa ilalim ng mga balisang talukap.
At nadarama na niya pati ang sakit ng binting binulok sa halip na pagalingin ng ilang taong pamamahinga. Pero ngayon sariwa ang sugat, damang-dama niya. At ang lasa ng putik sa pitakan, ang amoy ng tuyong damo, ang maiinit na hininga, ang mga dilang naglalaway, ang mga bastos na kamay ng mga tulisang sweldado ng gubyerno. Ang mga putanginang mangmang na inarmasan ng tarantadong gubyerno para apihin ang mamamayan at pahabain ang paghahari ng iilan.
—Rumadyo ka na sa bayan! May bonus tayo nito!
—Wag muna, nasisiraan ka na ba ng bait? Tikman muna natin.
Di niya nakayanan ang bugso ng mga larawan sa isip. Kinapa niya ang bukasan ng shower at itinodo ito. Gusto niyang lunurin sa tubig ang unti-unting gumagapang na lungkot/kilabot/takot sa nangangaligkig na niyang katawan. Damang-dama niya ang paggapang ng malamig na tubig sa balat niya, nililinis ang anumang madaanang bahid o ni anino ng dumi.
—Tama! Dalhin natin diyan sa kamalig, pagsawaan muna natin! Hehehe.
Mga putanginang demonyong CAFGU, mga istambay sa baryo na biglang nagkaroon ng kapangyarihang manakot, manakit, mamaril ng kapwa. Mga bandidong sweldado ng bobong gubyerno ng bansang Pilipinas, wala nang ginawa kundi abusuhin ang labis-labis na kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila.
Naramdaman niya ang mga pisil ng maruruming kamay sa iba’t-ibang bahagi ng katawan niya, habang kaladkad siya ng tatlong bandidong hayok, mga lawit ang dila sa kalibugan. Pinagpasa-pasahan siyang parang manika, nilamas, dinilaan, dinaliri, sinupsop, kinantot sa lahat ng butas ng katawan. Parang nakikita niya ang sarili niya ngayon, walang anumang ekspresyon sa mukha, nakatitig sa bumbilyang umaandap-andap, umuugoy-ugoy mula sa pinagsasabitan nito, at ang malulutong na halakhakang bumabalot sa lahat.
—Aha! sigaw ng isa, —Tingnan mo kung ano nakuha ko sa bulsa ng komunistang iyan.
Hawak ng isang sundalo ang joint na bigay sa kanya ni Ka Poli. Iwinawagayway ito sa harap ng dalawang kasama. Ang isa, kasalukuyang nakapatong sa kanya, ang isa naman nasa likod nito, nakapila. At ang isa, patuloy sa paghahalungkat ng iba pang laman ng bulsa ng maong niyang duguan. Nang malimas ang mga bulsa, nilamukos nito ang pantalon at ibinalibag sa isang sulok, sabay nanood sa ginagawa ng kasama niyang umiindayog, at inilabas ang ari at puwersahang isinubo sa bibig niya, naglabas-masok, nagdikitan sa dila niya ang mga ali-aligasgas na mapanghe’t amoy
ihing natuyo, at ang isang nakapila, di na nakatiis pa, nakilamas na rin sa mga suso niya, nakisupsop, at maya-maya nadama niyang may titi sa lahat ng butas niya, punong puno siya ng titi, sa puke, puwet at bunganga, at ang lahat ng ito, habang walang kakurap-kurap siyang nakatitig sa umiinda-indayog na bumbilya. At sinapak siya ng isa sa magkabilang mata, at napapikit siya, at di na niya nakita.
Pinatay niya ang shower nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaliwang hita niya. Hinilot-hilot niya ito ng mga palad, pinakalma ang giniginaw na laman, pinigil ang panginginig dulot ng ginaw at galit.
At muli siyang pumikit.
At ang mahabang patlang. Paglalakad sa dilim nang walang tiyak na patutunguhan. Hanggang mamulat siya sa marahang tapik sa kanyang mga pisngi. At ang una niyang napansin, ang amoy ng ganja na nakabimbin sa hanging tigil sa loob ng kamalig. Sa halos di maidilat na mga mata, nakilala niya si Amba Dencio, marahan siya nitong tinatapik sa pisngi.
—Ka Alma, gising. Ka Alma, gumising ka. Ungol lang ang kaya niyang isagot. Iginala niya sa paligid ang halos pikit na mga mata.
—Magbihis ka’t tumakas na, bulong sa kanya ni Amba Dencio. Akop na ang bahala dito.
Pero di siya makakilos. Parang di na siya handang harapin ulit ang mundo pagkatapos ng impiyernong dinanas.
—Tumakas ka na! sigaw ni Amba Dencio. Saka lang siya parang natauhan. Nakita niya sa sahig ang mga katawan ng tatlong sundalong
gumahasa sa kanya. May gatla sa leeg ang bawat isa. Di siya makatinag sa pagkakahiga. Mabigat na bakal ang biglang dumagan sa dibdib niya.
—Magbihis ka na, Ka Alma, at tumakas ka na ngayon din, pangungulit ni Amba Dencio.
—Paano kayo, tanong niya.
—Hindi naman rumadyo itong mga tangang ito eh. Hindi alam ng mga kasamahan nila na nandito sila. Mga sabog pa sa marijuana. Kaya nga mabilis kong nailigpit.
Mabilis siyang nagbihis, di ininda ang sakit ng katawan.
—Ano gagawin n’yo sa mga bangkay?
—Ako na ang bahala. May pinsan akong nag-tatrabaho sa unibersidad sa Maynila. Sa laboratoryo, taga-laga ng mga bangkay na pinag-aaralan ng mga estudyanteng magdodoktor. Pagkakakitaan ko ang mga hinayupak na ire’t nang magkaroon naman sila ng silbi sa bayan. Kailangan ko ng pera’t nasa ospital ang anak ko.
Tiningnan niya sa mata si Amba Dencio. —Kumusta po ang anak ninyo?
—Hayun, medyo ligtas na. Pero baka baldado na ang kalahati ng katawan. Binabantayan ngayon ng kapatid kong nasa Maynila.
Napatingin siya sa isang gawi ng kamalig, nakaparada roon at natatakpan ng lona ang motor ni Joseph.
—Di na niya magagamit ang motor niya. Ibebenta ko na lang.
Pagkakataon na para tanungin ang amba. —Saan po galing ang motor ni Joseph?
Hongkong, katulong sa ospital ng matatanda. Natigilan siya.
—Di ko po alam na may isa pa kayong anak. —Kow, mahabang kuwento. Doon lumaki sa tiyahin niya sa Maynila ang panganay na anak kong iyon. Iyon ang sinundan ni Joseph.
Inabot sa kanya ni Amba Dencio ang isang lumang sako.
—Heto yung mga baril nila. Dalawang maigsi saka isang mahaba.
—Salamat po, Amba Dencio. Di ko po madadala lahat iyan. Kukunin ko na lang po yung 9 mm ko na inagaw sa akin. Pakitabi na lang po iyang sako, ipagbibilin ko na lang sa mga kasama na daanan sa iyo. Pag malamig na ang kundisyon.
—Pag malamig na ang kundisyon, ulit ni Amba Dencio, naniniyak.
—Opo, sagot niya. —Mag-iingat ka, kasama.
Di na siya makasagot, di na rin makatingin. Ilang hakbang na ang layo niya mula sa bahay ni Amba Dencio nang marinig niya ang sitsit sa likuran niya. Lumingon siya, alertong nakahimlay ang kamay sa puluhan ng baril na nakasuksok sa suot niyang pantalon. Patakbong sumusunod sa kanya ang amba.
—Kasama, hintay.
Sinalubong niya ang humhingal na matanda at inalam kung bakit.
—Di ko naitanong sa iyo kanina. Ikaw ba’y may pera? Hetong konti, pamasahe. At hetong gulok, magagamit mo sa paggaygay sa gubat.
Bantulot niyang tinanggap ang inalok ng masa. Ibinulsa niya ang pera at isiniksik sa duguang pack
ang gulok. Di niya napigilang dumulas sa mga pisngi ang mga luha, sa kagat ng kunsyensya at himaya ng pasasalamat. Ibinulsa niya ang pera at lumabas ng bahay, palinga-linga sa buong paligid. Tangan niya sa isang kamay ang saklay na gawa sa yantok, mabilisang ginawa ni Amba Dencio kanina lang para sa kanya. Muli, di niya ma-arok kung bakit ganito ka-talino ang uring pinaglilingkuran niya.
—Mag-iingat ka. Ka Alma. Malikot ang kaaway ngayong mga panahong ito.
Tango lang ang sagot niya. Wala na siyang lakas para magsalita’t ipahayag ang abot-langit na pasasalamat. Kailangan niyang magpahinga. At dinala siya ng mga talampakan niya papasok sa gubat, patawid ng mga ilog, hanggang sa bayan, sa tahanan ni Inang Goring. Bago kumatok, napansin niya ang kandado sa pinto. Wala ang Inang Goring, walang tao sa loob.
Bago siya lumabas ng banyo, ginawa niya ang matagal na niyang di ginagawa. Tiningnan niya ang sarili sa salamin, nakita ang malaking pagbabago/ pagtanda ng hitsura niya. Di niya maalalang kilala niya ang babaeng nakatingin sa kanya. Di niya ito nakita sa kahit na anong larawan kahit kailan. Gusto niyang isipin na hindi siya ang nakikita niya.
Ang totoo, kailangan niya lang ng pahinga. Ano ang solusyon sa pagod? Eh di pahinga. Kung napapagod ka, magpahinga ka. Pag hindi ka na pagod, saka mo ituloy ulit kung anuman ang ginagawa mo.
At ngayon, makalipas ang tatlong taong pamamahinga, pakiramdam niya lalo siyang nawalan ng pahinga. Pakiwari niya, parang lalong nadagdagan ang mga pasanin niya sa buhay. At alam niya, na
walang kinalaman ang pilay niya sa binti, wala itong kinalaman sa pagbagsak ng kalusugan niya. At lalong walang kinalaman ang pagkasunog ng baga niya sa walang tigil na pag-inom ng alak mula umaga hanggang gabi. At wala ring kinalaman ang paghihiwalay nila ni Tony. Ang tanging bagay na responsible dito, walang iba kundi idolohiya.
Muli siyang napangiti. Alam na niya ang gagawin niya. Inumpisahan niya sa salamin. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang maraming mga malilit na plastik na boteng may iba’t ibang lamang kung anu-anong mga gamot na ang tanging silbi, pampalimot ng sakit. Kinuha niya ang mga ito at itinapon lahat, pati mga lalagyan, sa nakangangang basurahan sa loob ng banyo. Nilimas niya ang laman ng medicine cabinet.
Muli niyang nakita ang sarili nang isara niya ang medicine cabinet at pumwesto sa harap ng mukha niya ang salamin.
Pero ngayon, nakita niyang may nagbago sa hitsura niya. Parang nabawasan ang mga gatla niya sa noo, umimpis ang umbok ng salubong niyang mga kilay, gumaang ang pakiramdam niya. Muli siyang napangiti sa sarili.
Sumisipol-sipol siya nang magbihis. Isinuot niya ang luma niyang maong, tinamasa ang sarap sa pakiramdam ng hagod sa balat ng lumang telang kumorte na sa binti niya.
Kinuha niya mula sa ilalim ng mga nakatiklop na damit sa tokador ang isang luma pero matalim na gulok. Nang hawakan niya ang puluhan nito, parang nakikita niya sa isip ang dalawang araw na ginamit niya ito sa paglikha ng landas sa masukal na gubat,
tungong liwanag at kalayaan. Sa kabila ng sakit ng bendadong binti, parang ulol na winasiwas niya ito. Kailangan niyang marating ang hangganan ng gubat. Naroon ang kaligtasan. Kailangang makalabas siya ng buhay sa gubat na ito.
—Tama! nasabi niya ng malakas sa sarili. —Kailangan kong makalabas sa gubat na ito.
Mula sa isa pang sulok ng aparador, hinugot niya ang isang lumang backpack, may malabong mantsa ng dugong natuyo. Niyakap niya ito, nilanghap ang amoy ng digma na hanggang ngayon, kahit nalabhan na’t ilang taon na sa loob ng aparador, sariwa pa rin ang magkakahalong amoy ng palay, lupa at pulbura sa binubuga nitong halimuyak.
Mula sa bukas na aparador, kumuha siya ng ilang kamisetang madidilim ang kulay at mahahaba ang manggas. Pumili rin ng ilang lumang pantalon. Pinili niya ang mga nylon na madaling patuyuin. Tiniklop niya ang mga ito at isinilid sa backpack, lumabas ng silid.
Iginala niya ang paningin sa buong kabahayan. Damang-dama niya ang lungkot na parang kantang isinisipol ng patay na hangin sa buong kabahayan, bumabalandra sa mga makinis at pinturadong dingding. Dati na itong malungkot, naisip niya. Kahit noong nagsasama pa sila ni Tony.
At lalo na ngayong wala na si Tony. Dumoble/ triple ang lungkot na hinihinga ng mga dingding.
Naisip niya, sana magtagumpay si Tony. Tutal, marami na rin naman siyang naisakripisyo para sa bayan. Sana, pagpalain siya ng kapalaran.
Napangiti siya nang maalala ang pagpapaalam ni Tony isang gabing umuwi itong lasing na lasing, pero
gising at malalim ang andar ng utak. Tumabi ito sa kanya sa kama at buong magdamag silang nag-usap, bagay na matagal na nilang di ginagawa.
Tandang-tanda niya bawat salita, bawat kuwit at hibik, sinok at linghap, talsik ng laway at salita. Iyon ang araw na nagpaalam sila sa isa’t-isa. Iyon ang sandaling inamin nila sa isa’t isa na may iba pa silang gusto, may iba pa silang hinahanap. Kung anuman, tutuklasin pa nila.
Sa isang banda, naiinggit siya kay Tony. Kahit papaano, natutunan nitong umangkop, lumangoy sa sistemang umiiral sa labas ng kilusan. At gustong-gusto na nitong mag-umpisa, lumaya sa kahong kinapipiitan.
At nang mag-umaga, habang dahan-dahang nagpapaalam ang gabi, nang magkahawak-kamay nilang sinalubong ang pag-gising ng araw, kapwa naubusan na ng sasabihin sa isa’t-isa at kuntento na sa init ng katahimikang nag-uugnay sa kanila, sinabi sa kanya ni Tony ang desisyon nito.
Nagresign na si Tony sa trabaho. Gagamitin niya ang konting perang natitirang naka-impok sa bangko, bilang panimulang panggugol sa papasuking panibagong buhay.
—Saan ka pupunta? tanong niya.
—Di ko pa alam eh. Baka sa Batanes, sa Bohol, o baka umuwi na lang ako sa amin sa Surigao at mag-aral ulit ng surfing. Siguro naman, malayo mararating ng fifty thousand.
—One hundred thousand ang balance natin sa bangko.
—Kalahati lang ang kukunin ko, kunin mo ang kalahati.
—Tony, halos sa iyo lahat iyon. Ikaw ang mas matagal nagtrabaho. Saka sa pupuntahan ko, di ko kailangan ang maraming pera.
Nakapikit siya nang sa kahuli-hulihang pagkakataon, naghalikan sila sa labi. Habang nakapitikit, nag-alay siya ng maiksing panalangin na sana, saan man makarating si Tony, magtagumpay ito, mahanap ang matagal nang hinahanap, makamit ang matagal nang inaasam. Isa siyang mabuting tao. At minahal niya si Tony nang higit pa sa pagmamahal sa isang asawa o katipan. Minsan sa buhay niya, minahal niya ito bilang kasama sa mapagpalayang kilusan.
Sa may pinto, saglit siyang natigilan, napatingin sa kanang binti. Naisip niya ang sakripisyong haharapin ng pilipit na laman sa gagawin nitong paglalakbay. Kaya kaya niyang magbiyahe?
—Bakit, isang sakay lang naman ang Angat mula sa EDSA, ah.
Kaya pa kaya niyang manimbang sa mga pilapil, gumaygay sa mga sapa, tumahak ng mga gubat.
—Siguro naman, may paglalagyan ang babaeng pilay sa rebolusyonaryong kilusan.
Di talaga maalis ang alinlangan. Sobrang hirap bigyang katwiran ang isang bagay na alam niyang gusto niya. Isa na namang tanong na kailangang resolbahin sa sarili. At alam niya, kahit naroon na siya, tuloy pa rin ang pagsibol ng pag-aalinlangan. Pero alam niya ring natural lang iyon, at dapat lang.
Dahil hindi piknik ang digmaan.
At saan ba mainam magresolba, magbura ng mga agam-agam sa isip, magbalangkas ng mga perspektiba’t mga plano. May iba pa ba?
nag-iisang tumulong sa kanyang tumakas mula sa mga tulisang sundalo.
At naisip niya ang masang kumupkop at nagmahal sa kanya, at ang walang tigil na pagsasamantala sa kanila ng naghaharing uri.
At naniniwala siya, sa isang rebolusyong matapat na isinusulong ng mamamayan, laging may papel ang sinumang handang yumakap sa mga prinsipyong pinaninindigan nito. Totoo, maraming pagkakamali ang kilusan, pero walang tigil din naman itong nagwawasto. Sa lahat ng organisasyon sa buong bansa, o maging sa buong mundo, ang kilusang kilala niya ang may pinakamatapat at determinadong mga patakaran at disiplina sa malimit na pagpuna sa sariling pagkakamali’t walang katapusang pagwawasto ng mga ito.
Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto. Nangilo siya sa ingit ng mga bisagra, pero nag-aanyaya sa halip na nambibigo ang ingay ng pintong binuksan. Kipkip sa kanang kili-kili ang lumang saklay na yantok, walang lingon niyang nilisan ang tahanang panandaliang kumupkop sa kanya sa mga panahong nalilito siya’t nakalimot na tanging pambansa demokratikong rebolusyon lang ang huling himlayan ng isang kadreng tulad niya.
Sa labas, napangiti siya. Nanibago siya sa pakiramdam ng tama ng araw sa balat niya. May mga pedicab na nakaabang sa labas ng gusali, sumesenyas sa kanya ang mga nagmamaneho nito kung gusto niyang sumakay. Umiling siya.
Malapit lang naman ang EDSA mula sa kinatatayuan niya. At doon, may dumadaan nang bus papuntang Angat. Sa kanayunan kung saan sinusulat
ngayon ang kasaysayan. Sa sonang gerilya kung saan mapula ang langit at nagbabaga ang himagsik sa dugo ng bawat aping magbubukid